|03|

2K 69 0
                                    

|This is just a product of my imagination.
@cathcakee on twitter|


"Shar, you sure? Kung okay na lahat, kakausapin ko na mga staffs para maayos na yung location." Mula sa kabilang linya ay mababakas ang saya sa tono ng pananalita ni John, isa sa mga kaibigan ni Sharlene at siya ring magiging perte ng magpoproduce ng music video para sa kanyang kanta.

Kahit hindi naman siya nakikita ng kausap ay napapatango habang nilalahad sa kanya ang sequences sa gagawing music video. Hindi na rin niya mapigilan ang excitement na nadarama lalo na at ibang mukha ang makikita ng mga tagahanga niya na kasama niya. Nakikita ni Sharlene ang dedikasyon ni Turs sa trabaho kaya kampante siya na ibibigay din nito ang kanyang makakaya para mapaganda at mabigyan ng hustisya ang kanyang role na gagampanan kahit pa man isa lamang itong music video.

Wala silang myx ngayon kaya naisip niyang ayain lumabas si Turs para na rin maitanong kung ayos lang ba dito na mapabilang sa kanyng music video.

At dahil hindi hinahayaang lumabas mag-isa si Sharlene, sinamahan pa rin siya ng kanyang ina at ng bunsong kapatid niya na si Clark. Darating din si John para kung sakaling pumayag si Turs ay siya na ang magpapaliwanag ng mga gagawin.

Naisip nilang sa isang coffee shop na lang sila magkita. Alas-dos ng hapon ang napag-usapang oras pero ala-una pa lang ay nasa nasabing lugar na itong si Turs. Hindi kasi mapakali ang binata. Para bang pagdating kay Sharlene ay nagiging aligaga ito. Natataranta na hindi niya maintindihan. Pero ang gusto lang niya sa mga oras na ito ay ang makita ang matatamis na ngiti ng dalaga at ang mga tawa nito na musika kung ituring ng kanyang pandinig.

"Uy, Turs!" Saktong alas-dos ng dumating sina Sharlene. Nakipag-beso ito sa binata gayon din ang kanyang ina. "Kanina ka pa ba?"

"Uh, no." Pagsisinungaling niya. Isang oras na siyang naghihintay pero alam niyang hindi iyon kasalanan ng dalaga dahil unang-una, siya lang naman ang may gusto na pumunta ng ganon kaaga.

Bago sila magsimulang mag-usap ay umorder na muna ng makakain si Turs. Kahit anong tanggi nila Sharlene ay hindi siya natinag. Umorder ito ng blueberry cheesecake at frappé para sa kanilang apat.

"Nag-abala ka pang umorder."

"It's okay, tita."

Habang sumisimsim sa kanyang frappé itong si Turs ay abala si Sharlene sa pag-iipon ng lakas ng loob para maitanong sa binata kung payag ba ito na makapareha niya sa gagawing music video.

"Uh, Turs, may tatanong sana ako." Sa wakas ay nagawa niya na ring makapagsalita.

Kaagad namang binigay ni Turs ang buo niyang atensyon sa dalaga na nasa harap lamang niya. "What is it?"

"Kasi ano, I'll be having my music video for stars and caramel bars.."

"And?"

"If okay lang sayo, kung okay lang naman ah. Hindi kita pinipilit." May halong kaba na ang nararamdaman ng dalaga. Ang daming tumatakbo sa isipan niya. Paano kung tumanggi ito? Paano kung ayaw niya? "Pwede ba na ikaw na lang yung maging leading man or partner ko dun sa music video ko. Pero kung ayaw mo-"

Parang isang napakagandang musika ang narinig ni Turs kaya daig niya pa ang nanalo sa lotto. "That was an honor for me. To be chosen by a Sharlene San Pedro to be part of her music video. Wow!"

Natawa na lamang si Sharlene sa tinuran ni Turs. Nakahinga siya ng maluwag. "Ibig sabihin, payag ka? Okay lang sayo?"

Sa sobrang kasiyahan ay hindi na makapagsalita ang binata. Tanging pagtango at matatamis nitong ngiti ang nagsasalita para sa kanya.

Behind the LightsWhere stories live. Discover now