|11|

2.1K 74 14
                                    


|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|

On her way home, Sharlene got a message from her mom. “Nako, beshie, nag-text na si mama, pinapauwi ako.”

Miles look at her wrist watch to check the time. “Sige beshie, hatid ka na namin ni mommy.”

Nang maihatid na ni Miles ang kaibigay sa bahay ay nagpasya ang dalaga na pumasok muna sa loob upang batiin at kamustahin si Clark, ang nakababatang kapatid ni Sharlene, kagagaling lang kasi nito sa sakit.

“Beshie, okay na si Clark. Magaling na yon.” Pangungumbinis ni Sharlene.

“Eh basta, gusto ko ako mismo magbigay nito sa kanya—” Napahinto si Miles sa paglalakad at pagsasalita nang makita kung sino ang nakaupo sa sofa at may hawak pang bulaklak. “Donny?”

Napatayo naman ang binata at nginitian sina Miles at Sharlene na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. “Uh, hey.” Nauutal pang sabi nito.

Kaagad na lumapit si Sharlene kay Donny at palihim itong pinanlakihan ng mata. She's cute, ito lamang ang tumatakbo sa isip ni Donny habang nakikipagtitigan kay Sharlene.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Sharlene. Nilibot nito ang kanyang mata sa buong bahay at sinigurado muna na wala ang kanyang mga magulang. “Tsaka ano yang bulaklak na yan? Bakit ka may hawak niyan?”

Bago pa man makasagot itong si Donny ay sumingit na sa usapan nila si Miles. “Hep! Anong ibig sabihin nito, Shar, Don?”

Napaiwas ng tingin si Sharlene sa kaibigan. Paano niya ba ipapaliwanag ang mga ito sa kanya? Meron nga ba siyang dapat ipaliwanag? Magkaibigan lang naman sila.

“Beshie, bukas na lang tayo mag-usap.” Pinipilit ni Sharlene na ihatid na sa labas itong kaibigang si Miles pero sadyang nagmamatigas ang dalaga at ayaw pang umalis hanggat hindi nalalaman ang dahilan ng pagpunta ni Donny dito ng ganitong oras, alas-otso ng gabi at may dala-dala pang mga bulaklak. “Beshie...”

“Donny, nanliligaw ka ba—” Napahinto sa pagsasalita si Miles nang dumating ang ama ni Sharlene.

“Sinong nanliligaw?” Seryosong tanong ng ama ni Sharlene. Tila ba naging bato ang dalaga at hindi alam kung paano haharapin ang kanyang ama. “Sharlene?”

Kinakabahang nilingon ni Sharlene ang kanyang ama na seryosong pasalit-salit ang tingin sa kanya, kay Donny at kay Miles. “Pa?”

“Sinong nanliligaw?” Pag-uulit nito sa tanong niya kanina.

Muling na-estatwa si Sharlene. Hindi naman sila nag-usap ni Donny na may ligawang magaganap pero hindi rin niya magawang maitanggi sa ama lalo na at may dala-dalang bulaklak ang binata. Bagay na ginagawa lamang ng mga manliligaw.

“Nako tito,” Lumapit si Miles sa ama ni Sharlene at pabirong niyakap ito. “Mali po kayo ng rinig. Ang sabi ko po, naliligaw. Naliligaw ba si Donny kasi napadpad siya dito sa Bulacan.” Laking pasasalamat ni Sharlene nang makaisip ng palusot ang kaibigang si Miles.

“Yun nga pa, naliligaw.” Paglilinaw ni Sharlene. “Naliligaw ka Donny, diba?” Palihim na sinenyasan ni Sharlene ang binata, sinasabing makisakay na lang siya sa ginawang kwento ni Miles.

Agad namang nakuha ni Donny ang isinesenyas sa kanya ni Sharlene. “Yes po, tito. I think I'm lost. And, wala po akong alam dito sa Bulacan so I decided to go here.”

“Ganon ba? Natawagan mo na ba magulang mo? Baka hinahanap ka na.” May pag-aalalang tanong ng ama ni Sharlene. Mukha namang naniniwala itong naligaw si Donny.

“I did po. I called dad and nagpapasundo na po ako.” Sagot naman ng binata. Hindi maalis ang kaba.

“Sige, maiwan ko muna kayo.” Nagpaalam na ang ama ng dalaga at umakyat na ito sa kanyang kwarto. Naiwang muli silang tatlo sa salas dahil ang ina ni Sharlene naman ay abala sa paghahanda ng makakain.

Behind the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon