|22|

1.6K 63 1
                                    

|This is just a product of my imagination. @cathcakee on twitter|

Mahalagang Paalala: This is purely fictional...


The starry night above was better than any software imitation. There were lighter patches, clusters of faint and bold light, the constellations altered according to the time of year. These were the same stars that greeted the ancients, the same ones that would be there in millions of years. Sharlene rest her head on Donny's shoulder. They were sitting on the roof of Donny's car, happily swaying their feet back and forth, still holding each other's hand.

Before, they were afraid of the darkness. But  now, they both love the night. It hides everything. It hides their flaws and imperfections. They can do everything they want... as their worries, their thoughts, silently burn into smoke.

"I could stay all night long doing this." Bulong ni Donny sa dalaga. "Holding your hand like this, it feels like I am holding your heart too."

"Pero, nakakangalay." She's referring to her position. Nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ni Donny, hindi siya gaanong gumagalaw pero ramdam niya ang pangangalay ng leeg niya. "Ang sakit na sa leeg—"

Akma na sanang aayos sa pagkaka-upo si Sharlene at aalisin na ang ulo niya sa balikat ni Donny ng bigla naman siyang pigilan ni Donny. "Stay a little longer..."

Bahagyang pinisil ni Sharlene ang kamay ni Donny na hawak-hawak pa rin niya. Pinagmasdan niya iyong mabuti. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya. "There is always an end." Subukan mang ngumiti ni Sharlene ay mababakas pa rin sa kanyang mga mata ang lungkot. Kung siya ang masusunod, hindi na niya gusto pang bitawan ang kamay ni Donny. Handa siyang tumakbo sa lahat hawak-hawak lang ang kamay ng lalaking nasa tabi niya. "Umuwi ka na. Mag-iingat ka."

Inalalayan ni Donny si Sharlene hanggang sa makababa ito ng maayos. Pinanuod niya ang dalaga na makapasok na sa bahay nito. They don't bid their goodbyes.

Pagkabalik ni Sharlene sa kanyang kwarto ay sinilip niya sa bintana si Donny. Pinagmasdan niya itong pumasok sa loob ng sasakyan niya hanggang sa nakaalis na ito at tuluyang ng nawala sa paningin niya.

What was a few minutes in untold reams of time? Bulong ng isang bahagi ng puso niya.

Sasapit na naman ang umaga. Lalabas ang araw. At sa mga pagkakataong iyon, hindi na naman sila pwedeng makitang magkasama. Hindi maaaring sumikat ang araw at masinagan sila pareho sa iisang lugar.

Lumipas pa ang mga araw mas naging abala si Donny sa kanyang tapings. Kung minsan pa nga ay halos wala na rin siyang pahinga. Naging bahagi na rin kasi siya ng ASAP Chillout tuwing linggo. Pero kahit ganon hindi siya nakakalimot na kamustahin si Sharlene. Hindi man magtama ang schedule nila sa MYX, lagi naman niyang sinisiguro na alam niya ang lahat ng ginagawa ng dalaga. Kung sino ang kasama niya at kung saan siya nagpupunta.

Nagsagawa ng birthday bash ang fans ni Sharlene na pinamunuan ng mga fans nila ng on-screen partner niya noon at hanggang ngayon ay matalik niyang kaibigan na si Nash Aguas.

At doon nga sa nasabing birthday bash na iyon na nalaman ng fans na si Donny ang huling bumati sa kanya nung birthday niya. Kaya naman hindi magkamayaw ang mga fans at talagang kinilig. The fact na chineck muna ni Sharlene ang kanyang cellphone, ibig lang nitong sabihin ay thru private text message bumati si Donny. At totoo naman iyon, right after his taping ay binati na niya agad si Sharlene at nagpaliwanag kung bakit hindi siya makapag-post sa social media.

Pagkatapos ng birthday bash ni Sharlene ay nadatnan niya si Donny sa gilid ng sasakyan nila. All in his hoodie and shades just to cover his identity to some passerbys.

"Donny," Nilapitan ni Sharlene ang binata at mahina itong tinawag. Nag-iingat na baka may makakita sa kanila. "Anong ginagawa mo dito?"

Bahagyang ibinaba ni Donny ang suot niyang shades, na actually ay pagmamay-ari naman talaga ni Sahrlene. Parati niya itong hinihiram sa dalaga kaya naman binigay na lang niya ito kay Donny. "Sinunsundo ka," Simpleng sagot ni Donny.

Kumunot naman ang noo ni Sharlene nang marinig ang sinabing iyon ni Donny. "Ano? Kailan pa kita naging driver?" Pabiro nitong tanong.

"Bumalik kayo bago mag-ten." Mas lalong kumunot ang noo ni Sharlene nang marinig ito mula sa kanyang ina. Nakangiti lamang ito habang pasalit-salit ng tingin sa kanila ni Donny. "Sige na."

Magsasalita pa sana si Sharlene pero hinila na siya kaagad ni Donny patungo sa sasakyan niya. They only have two hours left to spend. At ayaw ni Donny na sayangin ang bawat segundo. "Tara na manong." Aniya sa driver at hindi naman na ito nagdalwang-isip at pinaandar na ang sasakyan.

It took them fifteen minutes bago nakarating sa isang theme park. Madilim ang buong paligid at walang katao-tao bukod sa kanilang dalawa. Tahimik. Malamig ang simoy ng hangin. Nakakarelax.

Sabay silang dahan-dahang naglalakad. Sinasamantala ang mga sandaling walang ibang taong makakakita sa kanila.

Hinawakan ni Donny ang kamay ni Sharlene and when they intertwined their fingers, biglang umilaw ang isang malaking fountain sa gitna. It lights the whole place. Kitang-kita ang pagkamangha sa mukha ni Sharlene. She didn't expect this one.

"You can't be my sunshine, but you will always be the one who lights up my dark moments."

A moment of silence passed.

"Hindi ka ba masaya?" Malungkot na tanong ni Donny. "Ang hirap kaya kausapin ni tita My. Lahat prinomise ko na para lang pumayag siya na makasama kita tonight tapos di ka naman masaya."

Sharlene giggles. "Thank you."

"No. Ako dapat mag-thank you sayo."

"Huh? Bakit naman?"

"Dahil sa sinabi mo kanina."

"Alin?"

"Yung inamin mo na ako ang huling bumati sayo nung birthday mo."

Maliit na bagay lang kung tutuusin ang ginawa ni Sharlene. Nagpakatotoo lang naman siya at sinabing si Donny nga ang huling bumati sa kanya. Pero para kay Donny, that's one strong move. For him, it feels like sonner or later kaya na ring ipagsigawan ni Sharlene ang kung ano man ang meron sa kanilang dalawa. He'll just have to wait and take things slowly but surely.

Behind the LightsWhere stories live. Discover now