Miss na kita

94 1 0
                                    

Miss na Miss na Kita
Mahal, alam mo ba?
Alam mo ba na miss na miss na kita?
Yung tipong araw-araw hinahanap ka
Yung tipong presensya mo'y wala na
Nasaan ka na ba?
Mahal,
Isang buwan na pala
Mula nang umalis ka
Babalik ka pa ba?
Maghihintay ako ah
Mahal,
Naalala mo pa ba yung panahong hinatid kita,
Hinatid kita kasi uuwi ka na di ba?
Mahal ang sakit,
Yung tipong makikita kong aalis ka na
Yung tipong wala pang kasiguraduhan kung babalik ka pa ba
Mahal ang sakit!
Mahal,
Sitwasyon nati'y mahirap man
Yung tipong sa video call nalang kayo magkikita
Yung tipong sa cellphone nalang tayo mag-uusap
Yung tipong minsan oras nati'y hindi magkatugma
Mahal,
Oo, mahirap man pero kinaya ko,
Kinakaya ko at kakayanin ko
Malayo man tayo sa isa't-isa
Dagat man ang pagitan sa ating dalawa
Milya-milya man ang layo nating dalawa
Ngunit mahal,
Hindi iyon hadlang
Para ika'y iwan
Dahil mahal kita
Mahal,
LDR man tayo
Pero tandaan mo,
Tiwala lang
Makakaya natin 'to
Wag kang mag-alala
Dahil nandiyan Siya
Tayo'y ginagabayan
Sa ating pagmamahalan.

Autumn Leaves from the AtticHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin