Pinagtagpo pero hindi Itinadhana

394 6 2
                                    

Sa bawat segundong lumilipas
Madaming tumatakbo sa aking utak
Bat ang saya saya ko sa piling mo?
Bat ayaw kong malingat saglit

Gusto kong lagi kang tinitignan
Gustong gusto ko marinig ang tawa mo
Ang bawat salitang lumalabas sa bibig mo
Gusto ko lahat sayo

Bawat araw na lagi kang kasama
Parang isang magandang panaginip
Lagi tayong masaya
Parang walang problemang dinadala

Bawat araw na lagi kang kapiling
Hindi ko na nanaising mawala kapa
Hindi ko maisip ang buhay ko ng wala ka
Hindi ko kayang magmahal ng iba

Pero bat naging ganito?
Bakit mali ang daan na tinatahak ng ating kwento?
Bakit parang lumalabo tayo?
Ang dating init na nararamdaman ko

Naging mistulang yelo
Yelo na hindi mawasak ng isang bato
Siguro nga hindi tayo para sa isa't-isa
Siguro nga pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana.

-CLYB

Autumn Leaves from the AtticWhere stories live. Discover now