Sanggol

209 5 1
                                    

Siyam na buwan
Bago maisilang
Isang sanggol
Na todo iyak nang lumabas

Sanggol na walang muwang
Dulot ay saya sa pamilya
Masilayan ang unang ngiti
Unang hagikgik

Unang sipa
Pero bakit nga ba?
Bakit sila iniiwan sa iba?
Bakit nga ba pinagsisisihang pinanganak sila?

Magulang ang siyang dapat mag-alaga
Sanggol na kailangan ang ina
Sanggol na kailangan ng kalinga
Sanggol na bigla nalang iniwan

At ang inang lumayo
Inang nang-iwan
At ang inang hindi kayang panagutan ang anak
"Ako'y balikan mo kailangan kita sa tabi ko" Saad sa isipan nito

"Kailangan ko ang kalinga mo" Bigkas nito sa puso
Walang bumalik
Walang pagkalinga ng ina
Puro si lolo't lola ang kasama

Lumaking malayo sa magulang
Lumaking may kulang sa puso
Lumaking hinahanap ang ina
Batang hindi man lang binigyan pagkalinga ng isang ina.

Autumn Leaves from the AtticWhere stories live. Discover now