Mawalang Galang

259 5 5
                                    

Mawalang galang na ho!
Pare-pareho tayong tao
lumuluha't tumatawa
nagkakamali't itinatama
nangangako't napapako

Sa kabilang banda
nandito kami
mga taong iniiwasan
laging hinuhusgahan

Porket may tattoo
mawawalan na kayo ng tiwala
Porket kami ay naninigarilyo
masamang tao

Porket umiinom
walang modo
Porket basagulero/a
wala ng respito

Tao din kami
minsan ng nagkasala
pinag-isipan at pinag sisihan
oo nagtanda na kami

Mabuti kaming tao
nauuna lang ang panghuhusga niyo
tandaan niyong wala kayo sa konseho
para husgahan ang tulad ko

Bakit hindi niyo kami kilalanin
kung anong ugali meron kami
masayahin din at magalang
may respito din medyo bastos nga lang

Nilulugar namin pagka siga namin
Pinipili namin ang pagkakatiwalaan
Pero lahat nirerespito namin
Lahat kakaibiganin namin

Hindi kami perpekto
wag niyo kaming husgahan
pare pareho tayong tao
nakakarindi na ang panghuhusga niyo

respito ang hiling namin
hindi mga matang mapang husga
respito ang isauli niyo samen
hindi masasakit na salita

Respito lang kapatid
wag niyong ipagkait
respito lang kapatid
yun lang ang magpapasaya samin

-CLYB

Autumn Leaves from the AtticWhere stories live. Discover now