hubad

0 0 0
                                    

maghubad ka at titignan ko lang

kung ano nga ba ang laman

titignan ko lang kung ano ba

ang pakiramdam - maghubad ka

sabi ng iba “maghubad ka,”

ngunit paano pa?

matagal na akong nakahubad

sa mata ng karamihan

sa sobrang hubad ko

hindi nila namamalayan

nakikita na nila ang tunay

na kulay ng mundo

sa sobrang hubad ng mundo - ako

hindi niyo na namamalayan

kahit sariling dugo’t laman

ay kusa niyong kinakain - pinepyestahan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Autumn Leaves from the AtticWhere stories live. Discover now