Nakahimlay

1 0 0
                                    

kagaya ng iilan
matagal rin nakahimlay
ang pusong nasaktan
hanggang kailan pa maghihintay?

kagaya ng iilan
matagal rin akong umiyak
bago naisipang bumangon
at ayusin ang pusong nawasak

kagaya ng iilan
minsan napapaisip ako
masaya ka kaya ngayon?
natutuwa ba ang puso mo?

kagaya ng iilan
patuloy akong naghihintay
umaasang may karugtong ang ating nakaraan
sana mahanap ko na ang sagot habang nagninilay-nilay

Autumn Leaves from the AtticWhere stories live. Discover now