kung may bibisita

0 0 0
                                    

kung may bibisita man
sana pag ibig na lang
yung matiwasay
payapa at tahimik

pero ramdam mong totoo
kung may bibisita man
sana pag ibig na lang
yung tama at sigurado

kung may bibisita man
sana ikaw na lang
hawak ang pag-ibig
na hindi nakakalito

nakakasakit at nakakaiyak
sana pag ibig na lang
yung nagpapatalon sa saya
at nakakalunod sa lalim

tahimik na nakaka ginhawa
sing ganda ng dagat at langit
sing busilak ng pusong tapat
pag ibig na hindi nag papaawat.

Autumn Leaves from the AtticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon