Gaano Ba?

94 2 0
                                    


Gaano ba kasaya ang masaya? Anong lebel ba ng saya ang iyong nararamdaman pag sinasabi mong masaya ka?
Parehas ba sa saya nung sinagot ka niya o sa nagkaroon ka ng mataas na marka sa Ingles na asignatura?

Gaano ba kalungkot ang malungkot?
Parehas ba sa iniwan ka niya o sa namatayan ka ng isa sa pinakamamahal mo sa iyong pamilya?

Gaano ba katakot ang natatakot?
Parehas ba sa takot na lokohin ka niya o sa mga horror movies mong napapanood mag-isa?

Gaano ba kasakit ang masakit?
Parehas ba sa sakit na pinagpalit ka sa iba o sa sakit na natusok ka ng karayom habang nananahi ka?

Gaano ba kaligaya ang maligaya?
Parehas ba sa ligaya na nadarama niya tuwing kayo'y magkasama o sa ligaya na binuhay ka sa mundong ito ng iyong ina?

Gaano ba kasarap ang masarap?
Parehas ba sa sarap na ikinama ka niya? o sa kinain mong crema de fruta?

Gaano ba? Gaano nga ba?
Napapatanong ka alam ko pero ito lang ang masasabi ko sayo magkaiba ang lebel ng bawat emosyon ngunit isa lang ang pinapahiwatig nito na tayo'y hindi manhid ay nakakaramdam ng saya,lungkot,takot,sakit,ligaya at alsarap sa pag-ibig man o sa sari-saring pangyayari sa ating buhay.

Autumn Leaves from the AtticWhere stories live. Discover now