Bestfriend

220 5 2
                                    

Bes, naalala mo paba ako?
Ako to yung kaibigan mo
Ako to yung dating kausap mo
At kasabay mong mangarap.

Ako to yung laging nandyan para makinig sa drama mo,
Ako to yung laging nandyan para palakasin ang loob mo,
Bes, Ako parin to ang dating nakilala mo,
Umaasa na balang araw babalik ang kaibigan ko,

Umaasa na baka pag gising mo hinahanap mo din ako,
At umaasa na sana marinig ko pa sayong kaibigan mo ako,
Bes naalala mo? Tayo yung sabay umuwi galing eskwela, sabay kumain at sabay sa lahat ng gawain.
Namimiss ko yung sabay tayong tatawa sa mga birong walang kwenta,

Pagt-tripan natin sila kahit hindi natin sila kilala,
Yayakapin at pipisilin ang ilong pag nilalambing kita,
Bes Nasaan kana?
Masaya kana ba, dahil may kaibigan ka ng iba?

Sabihin mo sa akin kung ayaw mo na,
Alam kong kaya mong tiisin na hindi tayo magkasama,
Pagod na ako sapag hingi ng atensyon mo kahit wala ng pag-asa,
Ako'y titigil na sapagkat ang pagka-kaibigan natin ay tapos na.

-CLYB

Autumn Leaves from the AtticWhere stories live. Discover now