Opinyon II

66 1 0
                                    


Isang mundong mapanghusga
Lahat hinuhusgahan
Walang pinipiling edad
Walang pinipiling kasarian

Ni minsan hindi mo makikitang mag isip
Lahat ng tama ay ginagawang mali
Atensyon na laging pinag-aagawan
Isang mundong puno ng pagkakamali

Walang basehan kung sino ang tama at mali
May kakulang pero hindi natutugunan
Isang pagkakamali
Pero lahat manghuhusga ni hindi alam ang buong istorya

Noon at ngayon
Isang malaking pagbabago
Ang naganap sa mundong ito
Kabataan  na pag-asa ng bayan

Isang kasinungalingan ang naukit
Sa ating murang isipan
Walang makakapagsabi
Kung tayo nga ba ang tinutukoy ng kasabihang
iniwan ni Rizal

Paano nga ba mapapatunayan
Kung lahat tayo ay binago ng henerasyong ito
Lahat tayo ay bantay sarado
Ng chismis sa kanto

Paano nga ba mababago?
Paano nga ba mapapatunayan?
Paano nga ba maisasakatuparan?
Paano nga ba?

Mga tanong na gumugulo sa aking isipan
Mga tanong na hindi masagot ng aking opinyon
Mga tanong na pawang wala pang kasagutan
Mga tanong na naghihintay sa sagot ng mundong mapanghusga.

Autumn Leaves from the AtticWhere stories live. Discover now