Chapter Six

2K 23 0
                                    

Chapter Six

Sorry for the late update:)!

*Medyo Bawal Sa bata :)


   Hindi malaman ni Estrella kung ano ang kanyang isusuot sa tila "date" nila ni Miguel mamayang hapon. Wala naman siyang ibang magaganda at mamahaling bestida. Ang kulay asul na lamang na bestida na bigay sa kanya ng kanyan ina ng siya ay grumaduate ng highschool ang kanyang isusuot.

Mukha naman itong disente eh. Sana magustuhan ito ni Sir Miguel

Kuntodo ayos ang ginawa ni Estrella, inulugay nia ang mahaba at makintab na buhok na dati ay lagi lamang nakapusod. Naglagay siya ng manipis na pulbo sa mukha, hindi na niya kailangan pa ng mga kulurete sa mukha dahil natural na daw ang ganda niya...

Pumunta siya sa may garahe ng mansiyon, sa bandang likod kung nasaan ang mga maalikabok at lumang mga gamit, doon sinabi ni Miguel kung saan sila magkikita. Medyo naasiwa na nga si Estrella, mahigit 30 minutes ng late si Miguel sa kanilang tagpuan.

Nasaan ka na ba Miguel?

"Sorry Ella! Nahirapan akong magpaalam kay mama ee. Ayaw maniwala na ako lang mag-isa ang lalakad. Pasesnya ka na kung matagal ako ha." mabilis na paliwanag ni Miguel, binuksan pa nito ang pintuan para sa kanya.

"Ok lang ho senyorito, hindi ko nga po alam kung ayos na po itong suot ko eh" nahihiyang sabi pa ni Estrella.

Pero tila nagsisi si Estrella sa sinabing iyon dahil tinignan siya ni Miguel mula ulo hanggang paa, tumigil pa ang mga mata nito sa malulusog niyang dibdib, hindi iyon halata pag nakapang katulong siyang uniporme.

"I think you look just great, just for me" naulinagan niyang bulong pa ni Miguel.

Hindi akalain ni Miguel na sa simpleng bestida lamang na suot ni Estrella ay umangat ang kariktan nito. Pero agad pinalis ni Estrella ang isipin na iyon dahil iba ang kanyang motibo kay Estrella. Natuwa pa nga si Miguel dahil nahalata niyang pinaghandaan talaga iyon ng dalaga. Ang hindi nito alam ay may mas maitim siyang plano.

Sa isang highclass restaurant sa bayang dinala ni Miguel si Estrella, lalo namang naasiwa ang dalaga dahil puro elegante ang ayos ng mga tao sa loob ng kainana na iyon.

"Sir Miguel, wag na lang ho kayatayo tumuloy, parang hindi ho nababagay ang suot ko sa restawran na ito" pabulong na sabi ni Estrella.

"Ano ka ba Estrella, wag kang mag-alala at ako naman ang kasama mo eh. Nandito na din tayo, bibiguin mo ba ako?" naging mapang-akit muli ang tono ng pananalita ni Miguel.

"Sige na nga ho. sir"

Umupo na sila sa kanilang reserved table at tsaka umorder. Maraming inorder na putahe na hindi naman alam ni Estrella si Miguel. Habang kumakain sila ay si Miguel ang unang nagsalita.

"Pasensya ka na nga pala sa mga naging trato ko sayo ha" hinawakan pa ni Miguel ang kanyang mga kamay.

"Naiintindihan ko po kayo senyorito."

"Naging mainitin lang talaga ang ulo ko nitong mga nakaraan. At tska pag tayong dalawa lang pwede bang Miguel na lang an itawag mo sa akin."

"O-opp ay Oo Miguel"

"Good, now kumain ka ng madami para hindi ka mapagod mamaya" mapanuksong sabi ni Miguel na hindi naman maintindihan ni Estrella.

Abot Langit na Pag-ibigWhere stories live. Discover now