Chapter Two

2.1K 34 1
                                    

Hey yow!

Loveromance is here!

enjoy


Chapter Two


Natigil ang pagbabalik sa nakaraan ni Estrella ng muli siyang yayaain ni Donya Emilia sa ikalawang palapag ng bahay upang ipakita na sa kanya ang mga kwartong lilinisin niya.

Halos malula siya habang inililibot niya ang mga mata sa buong bahay. Puno ito ng mga naglalakihang paintings na malamang ay nagkakahalaga ng higit sa buhay niya! Ang mga kahoy naman na nagsilbing pader ng bahay ay mga magagandang ukit ng mga anghel na tila ba ay naglalaro sa langit, metikuloso ang pagkakagawa. Napatunayan din niyang isang relihiyosong pamilya ang mga Rodriguez.

"Ang unang kwarto sa kanan ay study/library ni Arnulfo, lagi mo iyong lilinisin at aayusin ang libro sa mga kwadro. Ang sumunod naman na kwarto ay isang guest room, hindi mo naman obliga na palagiang linisin iyon, okay na sa akin ang isang beses sa isang linggo, maliban na lamang kung may mga bisita. Ang katabing kwarto ay isa ding guest room. Ang huling kwarto naman sa kaliwa ay ang kwarto naming mag-asawa. Ang pangalawa sa huli na kwarto ay sariling office/study ng aking anak na si Miguel, nakarugtong iyon sa kanyang kwarto na iyon ding lilinisin." mahabang paliwanag ng donya.

"Opo senyora"

"Maselan ang aking anak hiija, ayaw niyang may pinapakielaman sa kanyang silid, sapat na na ayusin mo ang kanyang kubre kama at tanggalan ng alikabok ang kanyang mga gamit." dagdag pa ng ginang.

"Masusunod po senyora, maari ko na po bang simulan ang paglilinis?" magalang na tanong ni Estrella.

"Oo naman, si Pasing na ang magtuturo sa iyo ng mga gagamitin mo, kung mayroon ka pang tanong ay puntahan mo na lamang ako sa kusina o tanungin mo din si Pasing."

"Opo, salamat po ulit."

     Hindi naglaon ay nasimulan ng linisin ni Estrella ang mga nasa bungad na kwarto pati na rin ang study room ni Don Arnulfo, halos dalawang oras din bago niya natapos ang halos tatlong malalaking kwarto. Sandali lamang niya nilinis ang kwarto ng mag-asawa sapagkat mukhang maayos at maaliwalas naman ang lahat.

   Nang nasa mismong harapan na siya ng silid ni Miguel ay bigla na namang kumabog ang kanyang dibdib. Tila may kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan. Ilang segundo pa bago niya mabuksan ang silid ng senyorito at agad na niyang sinimulan ang paglilinis.

  Medyo magulo ang kwarto ng lalaki, kalat kalat ang mga damit nito sa iba't ibang bahagi ng malawak na kwartong iyon. Isa isa niya iyong pinulot ng may makapa siyang isang damit, ngunit hindi panglalaki. Bra at panty iyon, hindi naman nagsusuot ng ganoon ang mga lalaki, bigalang kumirot ang puso niya ng mapagtantong may ibang kaulayaw ang senyorito. Ngunit hndi naman siya pwedeng mag inarte buong araw, kaya kahit mabigat ang loob ay itinuloy na lamang niya ang paglilinis ng silid.

  Nang maiayos ang kama ni Miguel ay pinunasan naman ni Estrella amg mga pigurin sa mga estanter na nakapalibot sa kwarto. Nang hawakan niya ang isang litrato ni Miguel ay bumakas ang ngiti sa kanyang mga labi.

  Ang mga mata nito na laging nangugnusap, ang aristokratong ilong nito at ang mga labi na tila kay sarap halikan. Marahan niya iyong pinupunasan kaya hindi niya naramdaman na mayroon na palang naeengganyong panuorin siya.

    "Hindi ba't napakaguwapo ko sa larawang iyan? Papasa na ba ako sa iyo?" tila nang-aakit na tono ni Miguel sa babaeng batid niya ay bagong katulong nila. Maganda ang hubog ng katawan mula sa kanyang anggulo, mahaba ang tuwid na tuwid na buhok nito.

  Bahagyang nagulat ito bago humarap sa kanya, at hindi siya nagkakamali sa kanyang sapantaha na kagaya ng katawan ay mala diyosa rin ang itsura nito. Hindi nararapt bilang maging katulong.

   Si Miguel Rodriguez, nabansagan siyang "hottest bachelor" ng isang sikat na magazine sa siyudad. Sikat din siya bilang isang "dynamic businessman of the century" sapagkat kaya niyang patakbuhin ng sabay ang dalawang negosyo na malayo ang pagkakaugnay. Siya na ang nagpapalakad ng kanilang Rancho at nagtayo din siya ng isang textile company.

  Ngunit pinaka kilala si Miguel sa pagiging mapaglaro niya sa mga babae. Wala sa bokabularyo niya ang salitang kasal kaya din naman hanggang pagkakama lamang ng mga nagugustuhang babae ang kanyang ginagawa. Para sa kanya ay pampalipas oras lang niya ang mga babae, bagamat malaki ang pagmamahal at paggalang niya sa ina, ay talagang ganuon lang siya. 

  Wala siyang nagugustuhan na hindi niya nakukuha, kahit na anong bagay lalo sa babae. Mahilig din siyang magpaibig at sa huli naman ay iiwan. Hindi naman niya buong kasalanan iyon, ang karamihan sa mga nagiging karelasyon niya ay talagang umaasa ng higit pa sa pagiging parausan. Walang sinuman ang makakapagpasok sa kanya sa isang kasal!

   Kaya ng masilayan niya ang bago nilang katulong ay tila nais niayng magpasalamat sa ina at tinanggp itong manilbihan sa kanila. Iisa lang ang ibig sabihin nun, mag bago na naman siyang laruan.

Nagulat naman si Estrella ng may baritonong boses na nagsalita mula sa kanyang likuran. Nang harapin niya iyon ay labis siyang nagulat, si Muguel! Nakatitig ito sa kanya na tila siya ay hinuhubaran, tila naeskandalo naman si Estrella kaya nailagay niya ang mga braso sa bandang dibdib niya.

   "Ahmmmm, innocent and shy young lady, gusto ko iyan" bagamat hindi lubusang maintindihan ni Estrella ang sinabi ng senyorito ay mababakas sa tinig nito ang pangungutya.

  Lumapit ito kanya at bigla na lamang ipinalupot nito ang mga maskuladong bisig sa kanyang maliit lamang na baywang. Nagulat si Estrella sa ginawa ng senyorito ngunit may bahagi ng kanyang pagkatao ang nagustuhan iyon. 

"Senyorito" hindi makagalaw si Estrella

"Hmmm, ang bango bango mo naman" sabi ni Miguel habang inaamoy ang bandang leeg ni Estrella habang hawak pa rin niya ang mga baywang nito. 

"Bitiwan niyo po ako senyorito" gusto ng maiyak ni Estrella, pinipigilan lamang niya.

"Anong pangalan mo maganda binibini?"

"E-estrella p-po" nauutal pang sagot ng babae

"Napakagandang pangalan, kasing ganda ng mga bituin sa langit ang nagmamayri ng pangalang iyon. Maari ba kitag tawaging Ella?" nakangiting tanong ni Miguel, kaunting pagitan na lamang ang kanilang mga mukha kaya naman halos hindi na humihinga si Estrella.

"Kayo po ang bahala senyorito"

"Kung gayon ay mula ngayon ay tatawagin na kitang Ella, bibigyan kita ng welcome gift"

   Akamang hahalikan na siya ni Miguel ng biglang may kumatok

"Senyorito Miguel, nakahanda na po ang inyong tanghalian, sabayan niyo na po sa hapag ang inyong mga magulang" naulinagan ni Estrella na si Aling Pasing ang nagsalita. 

"HIndi pa tayo tapos Ella" binitawan na ni Miguel ang katulong. Mabilis pa sa alas kwatro na lumabas ito ng kanyang silid.

   Nakangisi na napaupo si Miguel sa kanyang malaking kama at inalala ang maamong mukha ng bagong katulong. Ang mapupulang labi na abot kamay na niya kanina. Naipangako ni Miguel sa sarili na maangkin din niya si Ella, mapapasakanya ang buo nitong pagkatao.

Ahhhhh!!!

Here's another chapter guys!!!

Miguel is sooooooooo..... Pervert!


Magbago pa kaya siya? Abangan!!!!

loveromanceisigningout


Abot Langit na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon