Chapter Seven

1.9K 21 7
                                    

Sowi, I know its soo late

Merry Christmas na lang po <3


"Anak bakit nangyari ito?" umiiyak na sabi ni Aling Alina sa anak na si Estrella. Nalaman na ng mag-asawang Martin ang nangyari sa pagitan ni Miguel at Estrella.

"I-Inay, patawarin niyo po ako, hindi ko ho alam kung ano ang nangyari eh. Basta pag gising ko nakahubad na ako at at..." naiiyak na sabi ni Estrella. 

"Pinagsamantalahan ka ba niya anak?" tila galit na tono sa boses ni Inggo

"Hindo ho itay, ma-mahal ko siya kaya din siguro ako pumayag" napahagulgol naman si Alin ng marinig ang sinabi ng anak.

"Kaya nga ba ayaw ko na pumasok ka dito ee"

Tama na Alina, nandyan na yan eh. Paano kung mabuntis si Estrella dahil sa nangyari, kailangan talaga siyang panagutan ng lalaking iyon. Basta anak, pag kailangan mo kami at hindi mo na kaya ay nandito lang kami." niyakap naman ng mag-asawa ang anak.

"Pasensya na ho sa istorbo pero nandyan na ho ang Judge at magsisimula na ang kasal." pukaw sa kanila ni Aling Pasing, agad naman pinunasan ni Estrella ang mga luha at tumayo at inunat ang bestida.

"I now pronouced you Mr. and Mrs. Miguel Arnulfo Rodriguez, you may now kiss your bride" sabi ng judge at ng humarap si Miguel sa kanya ay isang magaan at mabilis lamang na dampi sa kanyang labi ang ginawang paghalik nito sa kanya.

"I am so gald that you are now part of this family, dapat ay ang isunod niyo ni Miguel ay napakadaming apo" napahalakhak naman ng malakas si Don Arnulfo. Nasa harap na sila ng hapag kainan na may mga masasarap na putahe na ipinahanda lamang para sa kasal.

"Hindi nakakatawa ang biro mo Papa. Apo? Sa tingin niyo ba ay sasadyain kong anakan ang babaeng iyan" may galit sa tinig ni Miguel. Napayuko lamang si Estrella, hindi lamang nahiya si Miguel sa kanyang mga magulang.

"Miguel tama na iyan! Hindi ka namin pinalaking ganyan! Nasa harap pa naman din tayo ng hapag" sabi ni Donya Emilia

"Mama, totoo naman ang sinabi ko eh. If I were to have a kid, I would choose a woman with sophistication, ung babaeng mataas ang pinag-aralan hindi sa isang katulong mamimikot" pagkatapos nun ay umalis na si Miguel.

"Pagpasensyahan niyo na sana ang aming anak, hindi siya natural na ganyan" hinging paumanhin ni DOn Arnulfo kay Estrella, Alina at Inggo.

"Tila mali ho ang ideyang ipinakasal natin sila. Iuuwi na lamang namin si Estrella sa amin." tila naiiyak na sabi ni Aling Alina.

"Wag! Wag mo naman gagawin iyan Alina, ngayong asawa na siya ni Miguel ay dito na nararapat si Estrella. Anak ko na rin siya, dahil kay Estrella ay natupad ang pangarap kong magka anak ng babae" nakikiusap ang tono ni Emilia.

"Pero" si Inggo

"Ako ang bahal kay Estrella, hindi siya masasaktan ni Miguel, sa bahay na ito ay ako ang kakampi niya" sabi pa ni Emilia.

"O-osige, basta anak kung hindi mo na kaya ay laging bukas ang ating tahanan"

"Oho inay, mahal na mahal ko ho kayo" nagyakapan ang mag anak.

Isang linggo na din ang lumipas ng maikasal si Miguel at Estrella, ngunit isang katulong pa rin ang tingin ni Miguel kay Estrella.

Abot Langit na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon