Chapter One

2.3K 31 0
                                    

Hiyaaaa Guys!!!!

Sinisipag ako eee..

enjoy

Chapter One


"Inay, hayaan ninyo na po ako pumasok bilang katulong sa mga Rondriguez. Pangako na hinding hindi ko po kayo ipapahiya at sisirain ang magandang impresyon ninyo sa kanila. Magtatrabaho po akong mabuti." pangunglit ng bente anyos na dalagita na si Estrella sa kanyang inay na si Aling Alina.

"Anak, hindi naman namin ipina aalala ang magiging trabaho mo doon, alam naman namin na masipag kang bata at matiyaga. Ang akin lang ay hindi mo na kami dapat tulungan ng iyong ama dahil kaya pa naman namin. Saka ang mga magulang ang kumakayod, makakaipon din kami ng iyong itay para sa pang matrikula mo." malumanay naman na sagot ng kanya inay.

"Inay, matanda na kayo ni itay, buong buhay ko inalagaan at minahal niyo ako ng lubusan. Dapat sa edad ninyo ay nagpapahinga na kayo. Kaya naman nais kong pumasok bilang katulong para ako na lamang ang mag-ipon ng aking pang matrikula"

"Aba, aba hiija, hindi pa ako matanda ah! Ikaw naman parang minamaliit mo na ang tatay mo niyan" bigla namang singit ng kararating pa lamang na si Dominggo "Inggo" na kanyang ama.

"Itay! Maupo na po kayo at ipaghahanda ko na po kayo ng inyong meryenda" yakap na salubong ni Estrella sa ama.

"Napakalambing talaga ng ating anak ano? Masipag pa siya" puri naman ni Mang Inggo na sinangayunan ng kanyang maybahay.

"Ano tay? Pwede na ba akong maging isang tagapag silbi sa mansyon ng mga Rodriguez?" nakangiting sabi ni Estrella.

"Estrella" ang kanyang inay.

"Alam mo hiija, labag man sa aking loob pero sige, mamasukan ka ng katulong sa mga Rodriguez. Mabait ang mag-asawang Rodriguez, para nga silang hindi mayaman. Alam ko naman na mataas ang iyong pangarap, baka matagalan pa kasi kami ni Alina sa pag-iipon eh" medyo nanginginig pang sabi ng ama.

"Inggo naman! Bakit ka pumayag?

"Talaga itay? Salamat" halos na magkasabay na sabi ng mag-ina.

"Alina, hayaan mo na ang anak mo, malaki na siya pero highschool lang ang natapos niya. Isa pa kailangan na niya matutunan ang kumayod hindi ba anak?"

"Opo itay! Dyan lang po kayo ay kumukulo na pala ang aking nilulutong sinigang na paboritong paborito mo po"

     Pagka alis na pagka alis ni Estrella sa paningin ng mag-asawang Martinez ay biglang natahimik ang dalawa. Malaki na ang kanilang kaisa isang anak na minahal nila ng lubusan. Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi pa rin sang ayon si Alina na magtrabaho ang anak niya sa mansyon dahil sa isang dahilan.

"Inggo, hindi maaring maging katulong ang ating anak doon" naiiyak ng sabi ni Alina

"Malaki na siya Alina"

"Ngunit alam mong iniibig niya ang binatang Rodriguez at baka sa pagmamahal na iyon ay mapahamak siya. Kilalang mapusok at mahilig sa babae ang binatang iyon. Maganda at kaakit akit naman ang ating anak" dahilan ni Aling Alina.

"Wag kang mag-alala, alam ng anak mo ang tama sa mali. Hindi siya masasaktan dahil hindi ko iyon papayagan." agad namang niyakap ni Inggo si Alina upang ito ay kumalma.

      Hindi nga naglaon ay naipasok nila si Estrella bilang isang taga silbi sa mansyon ng mga Rodriguez. Mismong si Donya Emilia pa ang nagturo at nagsabi ng mga kailangan niyang malaman.

"Alam mo hiija, napakaganda mo para lang maging isang katulong lang. Ngunit bilib ako sa iyong pagsisikap para ikaw ay makapag-aral." sabi ni Donya Emilia na may ngiti sa mga labi.

"Salamat po Donya Emilia, hangarin ko po kasing guminhawa naman ang buhay nina itay at inay."

"Tama iyan hiija, halika't ipapakita ko sa iyo ang kusina." smunod naman agad si Estrella sa bagong amo.

"Mahilig akong magluto hiija, kaya wag kang mabibigla kung minsan ay ako ang reyna ng kusina. Paborito kasi ni Arnulfo ang mga putahe ko ee" nagniningning na sabi nito.

"Ganun po ba, may mga alam po din akong mga putahe na pwedeng lutuin." pagkukwento naman ni Estrella.

"Mukhang magkakasundo tayo hiija, sa kanan naman ay ang iyong magiging kwarto, maid's quarters iyan. Nais ko sana na dito ka mamalagi para makikita ko ang progress mo. Okay lang ba iyon?"

"Opo naman po Donya Emilia!" 

"Mabuti naman kung ganuon" masaya ding tugon ng ginang,

"Ang una kong itotoka sa iyo ay ang mga kwarto sa itaas, kasama na ng aking unico hiijo"

   Mula sa pagkabanggit ng Donya sa anak ay biglang kumabog ang dibdib ni Estrella. ANg lalaking pinakamamahal niya ang tinutukoy nito. Katorse anyos pa lamang siya ay iniibig na niya ang heredero ng Hacienda Rodriguez, naaala pa niya ng una niya itong masilayan mula sa malayo.

FLASHBACK

Naglalaro sa may gilid ng sapa ang katorse anyos pa lamang noon na si Estrella. Hilig niya ang pimimitas ng mga ligaw na bulaklak sa gilid ng sapa at pagtapos ay ibibigay niya sa kanyang ina bilang paglalambing.

Habang abala sa pamimitas ng bulaklak ay nagulat na lamang siya ng may kabayo na papunta sa kanyang direksyon, tila nakawala iyon. Kaagad naman siiyang umakyat sa pinakamalapit na puno at doon nagtago.

"Ikaw talaga foxy, lagi mo na lang akong tinatakasan. Kumuha lang ako ng pagkain mo ay bigla ka na lamang tumakbo." sabi naman ng nuon ay bente anyos na na si Miguel habang hinihimas at kinakalma ang alagang kabayo.

   Noon lamang naramdaman ni Estrella ang pakiramdam na iyon, mabilis ang pagtibok ng kanyang puso, noon lamang siya nakakita ng ganoong kagwapong lalaki sa tanan ng buhay niya. Disente ang itsura nito, matangos ang ilong at maayos na nakasuklay ang buhok ng lalaki.

At mula noon, itinatak sa isip ni Estrella na wala siyang ibang mamahalin kundi ang lalaking iyon sa may sapa. Kahit ng di maglaon ay iyon pala ang tanging tagapag mana ng ilang ektaryang lupain.

    Inibig niya ng totoo magpahanggang ngayon si Miguel Arnulfo Rodriguez.




Ahhhh! Tapos ko na ang chapter oneeee!!!

Keep in mind po na on the spot ko po ito sinusulat

wlaang edit edit pa kaya po kung may errors ay pagpasensyahan nio na lang po ha!


loveromanceissigningout

Abot Langit na Pag-ibigWhere stories live. Discover now