Chapter Three

2K 30 0
                                    

Sorry for the late upload!

I hope you enjoy this.

Keep on supporting

Chapter Three


Laking pasalamat ni Estrella dahil sa pagtawag ng katulong sa kanila, baka hindi na siya makapag pigil pag pinagpatuloy pa ni Miguel ang ginagawa ay tuluyan na siyang bumigay rito.

   Sadyang malakas ang dating ni Miguel sa kanya, at hindi niya kaya ang mga tila nakakatunaw na titig nito. Nais na sana niya maging masaya dahil sa atensyon na ibinigay sa kanya ni Miguel sa una pa lamang nilang pagkikita ngunit parang may mali. Sa mga titig nito sa kanya ay hindi paghanga o kahit na anong pagtingin ang nakikita ni Estrella, kundi pagnanasa at pag-aasam nitong maangkin siya.

     Nais man niyang matakot sa mga tingin nito ay hindi niya magawa dahil na din sa malalim niyang pagtingin at pagmamahal na pinangangalagaan niya sa kanyang puso.

"Estrella, halika na at tulungan akong dalhin ito sa kumedor, hinihintay na ito ng pamilya." 

"A-ah opo aling Pasing!" agad naman kinuha ni ang tray na may laman na mga baso ay fresh orange juice.

    Maingat na naglakad patungo sa kumedor si Estrella dahil na din sa hindi siya masyado pang sanay  sa ganoong ka pormal na hapag kainan. Para ngang hindi mga normal lang na tao ang naghihintay sa kanya sa hapag.

"Hon, parang ngayon ko lang nakita ang dalagang iyon ah" bulong ni Don Arnulfo sa asawa.

"Siya nga pala si Estrella, anak siya sa isa sa mapagkakatiwalaan nating trabaho. Nais niyang makaipon para makapag-aral sa kolehiyo"

"Bihira lang sa mga kabataan ang ganoon kung mangarap, lalo na sa probinsyang katulad nito" paprui naman ni Don Arnulfo.

"Sang ayon ako sa iyo mahal, kaya ko nga siya tinanggap agad eh."

   Nakatingin lamang si Miguel sa kanyang mga magulang na bagamat siya ay natutuwa sa nakikitang apeksyon ng mga iyon sa isa't isa ay nakakaramdam siya ng kaunting selos dahil sa nakikita niyang pagbibigay ng atensyon ng mga ito sa bagong katulong.

"Nakilala ko na po siya Mama, naabutan ko siyang nililinis ang aking silid." sagot naman ni Miguel sa nang-aakit nitong tinig.

"Mabuti naman kung ganoon para masanay ka na rin sa kanyang presensiya" sabi naman ni Don Arnulfo.

"Oh hiija, pagkatapos mo dyaan ay sumabay ka na sa amin kumain ha." yaya ng mama ni Miguel sa bagong katulong.

Hinding hindi gusto ni Miguel ang mga nakikita niya, ayaw niya ang pagtrato ng mga magulang niya kay Estrella. Kailanman ay hindi naging ganoong kalambing ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama kapag nakikipatungo sa ibang tao. Maski sa kanya ay hindi naging ganoon ang ama, bagamat ang kanyang ina lagi para siyang tinuturing na bata ay iba pa rin ang pakiramdam niya.

Nais ni Miguel na sa kanya lamang ang atensyon ng mga magulang. Agad naman niyang inalis ang pakiramdam na iyon. Nagbalik naman ang tingin ni Miguel sa napakagandang dilag na si Estrella at tinignan kung paano niya ito umupo at kung paano ito kumilos na tila ay nahihiya.

He likes strong women, he is turned on by women with strong personality and wild capabilites, especially on bed. However, Estrella's innocent appearance really turns him on. Hindi nga maintindihan ni Miguel ang kanyang nararamdamanniya para kay Estrella.

"Kumain ka ng marami ha Estrella, para hindi ka nagkakasakit. Lalo na at magsisimula ka ng mag-aral next week. Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho." patuloy na pagsasabi ni Donya Emilia.

"Ho!?"

"Ano?!"

sabay na sabi nila Miguel at Estrella.

"Akalo ba na magtatrabaho lang siya dito bilang katulong?" tila may bahid na inis na sa tinig ni Miguel.

"Donya Emilia? Paano ho po ako makakapag aral eh wala pa naman po akong sapat na pera at saka hindi pa naman ho ako nakakapag enroll" sabi naman ni Estrella.

"Kinuhanan ka namin ng scholarship ni Emilia" sagot naman ni Don Arnulfo.

"Ho? Hindi niyo naman po iyon kailangan gawin iyon Senyor. Nakakahiya naman po"

"Talagang nakakahiya!" bigla namang singit ni Miguel na tila naiinis na.

"Miguel!" saway ng Donya sa Unico Hiijo

"Pero mama? Bakit niyo ho siya bibigyan ng scholarship, alam niyo na ba ang kapasidad niya at baka magsayang lang tayo ng pera para gastusan ang isang katulong!?" histerya ng sabi ni Miguel.

"Miguel, hindi ka namin tinuruan para mang bastos ng kapwa mo!" banat naman ni Don Arnulfo.

"Hindi niyo naman po kailangan gawin iyon para sa akin eh. Sapat na po ang pagtanggap nio po sa akin para maging tapag lingkod dito sa mansyon" sabi naman ni Estrella na halos maiyak dahil sa ipinakitang disgusto sa mukha ng lalaking mahal na mahal.

"Miguel, maraming parangal na natamo si Estrella nung siya ay nasa higschool pa lamang ah! Wag mo siyang minamaliit" sabi naman ng Don

"Parang unfair naman iyon sa iba" sabi namn Miguel.

"Pasensya na po seniyorito Miguel" mahinang sabi ni Estrella

"Wag ka ngan umarte na para bang wala kang alam dito!" hindi naman alam ni Miguel kung bakit siya naiinis.

"Miguel, tama na iyan. Sumunod ka sa akin sa study room, iligpit mo na ang mga pinagkainan natin Estrella, nawalan na ako ng gana." sabi nman ng Don, nakakatakot ang aura nito.

"Opo senyor"

Agad namang tinanong ni Don Arnulfo ang anak kung bakit niya nasabi ang mga nasabi nito.

"Hindi ko din alam papa, pakiramdam ko may mali."

"Kilala kita Miguel, kung paano mo tignan si Estrella kanina ay tila ba.. tila ba" hindi maituloy sabihin ng ginang.

"Pagnanasa" diretsong sabi ng ama ni Miguel.

"Papa! Bakit niyo naman ho iyon naisip? Ni hindi ko pa nga ho siya nakikila ng husto. At hinding hindi ako iibig sa isa lamang katulong!"

Halos gusto ng pumalahaw ng iyak ni Estrella ng marinig ang mga sinabing iyon ni Miguel. Hinding hindi ito iibig sa isa lamang tagapag silbi ng kanyang pamilya. Hindi man niya sinasadya ang pagkakarinig ay nasaktan pa rin sya ng labis.

Soorry for the super delay of this chappy..

Busy lang po ako sa mga problems ng chemistry!

enjoy!

loveromanceissigningout

Abot Langit na Pag-ibigWhere stories live. Discover now