Chapter Four

2K 33 0
                                    

No further chuvachuchu

Chapter Four


"O mas tamang sabihin na hinding hindi ako papatol sa isa lamang katulong!" 

"Tama na iyan Miguel, hindi ka namin pinalaki ng iyong ama para lamang maliitin ang iyong kapwa." napuno na si Donya Emilia.

"Hijo, masyado lang kami natuwa kay Estrella dahil sobrang sipag niya. At saka hindi masasayang ang pera natin dahil matalino siyang bata. Isa pa hindi lang naman siya ang una kong naging scholar." mahinahon na paliwanag ni Don Arnulfo.

"Hindi ko pa rin kayo maintindihan, tila may pinaplano kayo eh" naghihinala pa ring sabi ni Miguel

Inignora na lamang ni Don Arnulfo ang sinabi na iyon ng anak, ngunit nakaroon naman ng isang magandang ideya ang ginang.

"Aling Pasing, parang ang-aaway po yung mag-anak dahil sa akin. Tska nassagot po ni seniorito Miguel ang mga magulang niya. Hindi ko naman po talaga hiniling na bigyan pa nila ako ng scholarship ee" naiiyak na kwento ni Estrella kay Pasing na noo'y nahuhugas ng kanilang mga pinagkainan.

"Hija, ganyan talaga ang mag-asawang Rodriguez, napakabait at busilak ang mga puso. Hindi sila matapobre kaya wag mong isipin ang sinabi ni seniorito Miguel, akala siguro ay labis na ang ginagawang tulong sa iyo. Minsan ay makitid ang utak ng binatang iyon simula ng natira siya sa siyudad." paliwanag ni aling Pasing.

"Kung tanggihan ko na lamang po kaya ang kanilang alok?" si Esrella

"Yan ang wag mong gagawin dahil paniguradong magtatampo sa iyo ang ginang" sabi ni aling Pasing.

"Napakabait namn po talaga niya"

Hapon ng matapos lahat ni Esrella ang mga gawain niya nung araw na iyon at dahil wala na siyang ibang gagawin ay lumabas siya upang tulungan ang hardinero na si Ramon sa pagaayos ng hardin.

Matanda lamang siguro ng ilang taon sa kanya si Ramon,konti lamang ang taas nito sa kanya ngunit maganda din ang tikas ng katawan nito. Ngunit wala ito kumpara sa makinis at malaking pangangatawan ng kanyang iniibig.

"Tulungan na kiya dyaan Ramon, wala naman na ako ginagawa ee." alok ni Estrella.

"O sige ba Estrella, hindi ko tatanggihan ang alok ng magandang binibini" nakangiti na sabi ni Ramon.

"Gaano ka na ba katagal dito?" tanong ni Estrella

"Mag lilimang taon na ako dito, mabait ang mag-asawa sa akin kaya naman tumagal ako ng ganoon. Naiintindihan nila ang katayuan ng mga katulad natin" mabait si Ramon, iyon ang naisip ni Estrella.

"Sang ayon ako dyan Ramon"

"Wag nga lang uuwi ang anak nilang langing may topak" sinundan iyon ni Ramon ng isang matunog na halakhak.

Natawa na din si Estrella sa tinuran ng lalaki, ang hindi nila alam ay mag nagmamasid sa kanila mula sa malayo.

"Nabilog mo man ang mga ulo ng aking magulang ay hindi mo naman iyon magagawa sa akin Estrella. Alam kong sa likod ng inosente mong aura ay nakatago ang isa mong balak. Hinding hindi ako mahuhulog sa patibong mo. Pero kahit ganun ay wala pa rin makakapigil sa akin na maangkin ka"

"Bibigay ka din at pag nangyari yun ay iiwan na lamang kita na parang basahan"

Nabalot na ng kakaibang muhi si Miguel laban kay Estrella, hindi man niya alam ang pinagmulan nun ay wala na siyang pakielam. Mas mabuti ang mga babaeng 'pakawala' ay nailalabas ang tunay na pagkatao kesa naman sa isang tahimik at hindi makabasag pinggan.

Abot Langit na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon