Chapter Fifteen

1.8K 42 12
                                    

Merry CHristmas po sa lahat! Sorry po for the super long wwait.. Kahit ang dami pong nagrerequest na mag UD na ako and hnd naman ang nakakapag UD... eh nandyan pa rin sila waiting... Kaya eto po ang gift ko SA lahat ng Fans/ Friends ko!

Chapter Fifteen

 Pinilit imulat ni Estrella ang kanyang mga mata kahit hinang hina siya at tila wala nang lakas pang gumalaw. All she can see is the white ceiling above her, hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya. All she can remember was Miguel was so mad at her for something she did not even do.

Nang maalala niya ang nangyari sa pagitan nila Miguel ay hindi niya napigilan na umiyak.

"Anak?" si Aling Alina iyon, mababahid ang labis na pag-aalala sa mukha nito.

"Inay, si Miguel po, sinaktan niya ako. Ayaw niya akong paniwalaan, wala naman po akong ginagawang masama eh." tila batang inaway na nagsusumbong si Estrella sa kanyang inay.

"Tahan na anak, hindi ko kayang makita ka pang umiiyak" marahan namang hinaplos ni Aling Alina ang mahabang buhok ng anak.

"Nasaan nga po pala tayo? Mukhang mahal hi dito. Wala ho tayong pambayad dito" nag-aalalang tanong ni Estrella.

"Hija, huminahon ka muna. Alam kong hindi pa ito ang tamang pagkakataon para sabihin ko sayo ang lahat tungkol sa tunay mong pagkatao, pero wala na akong pagpipilian pa."

"Ano pong ibig jiyong sabihin?" naguguluhan na tanong Estrella ngunit hindi na siya lumuluha.

"Wag ka sanang mabibigla anak, pero hindi kami ni itay Inggo mo ang mga tunay mong magulang" umiiyak na sabi ni Alina

"Hindi ko po kayo maintindihan, ano pong ibig niyong sabihin?" muli na namang umiyak si Estrella

"Hija, pinakamatalik kong kaibigan ang iyong ina. Namatay siya sa panganganak sa iyo, ibinilin ka niya sa aming mag-asawa, at dahil hindi kami mabibiyayaan kailanman ng anak ni Inggo ay buong puso ka naming minahal bilang amin."

"Inay, wag naman po kayong magbiro, hindi po ito ang tamang pagkakataon" iyak pa rin ng iyak si Estrella

"Anak patawarin mo kami ng iyong itay sa paglilihim sa iyo ng katotohanan, iyon ay para ka lang protektahan"

"Paano ako mapoprotektahan ng katotohan inay? Ilang taon akong namuhay sa kasinungalingan. Buong buhay ko, naniwala ako na ito ang buhay ko, pero hindi pala. Hindi ko na alam kung saan ako nararapat" iyak ng iyak na si Estrella

"Anak, tama na baka may mangyaring masama sa iyo. Pakinggan mo ako, hinahanap ka na ng iyong lolo, ikaw ang tangi niyang tagapagmana!" biglang natigilan si Estrella sa narinig

"Anong ibig niyo pong sabihin? Tagapagmana? Lolo? Akala ko ho ba wala na ang mga magulang ko?"

"Oo nga, pero buhay pa ang ama ng iyong ina. Ang iyong inang si Magnifica ay isang anak mayaman na umibig sa isang dukha, napakabusilak ang kanyang puso, kahit langit at lupa ang pagitan nila ng iyong amang si Emilio ay pinaglaban niya ito sa iyong lolo kahit nawala na kay Magnifica ang lahat" kwento ni Alina, hindi naman natinag si Estrella sa pakikinig.

Unti unti ay naiintidihan na ni Estrella ang lahat, kahit masakit para sa kanya ang nalaman ay wala siyang ibang magawa kundi ang magpasalamat sa mga taong nag-aruga sa kanya ng halos labing siyam na taon. Naiintidihan na niya na ang lahat, na kahit masakit ay kailangan niyang tanggapin ang lahat.

"Inay, kailan ko ho siya makikilala?" nagulat naman si Alina sa tanong ng anak

"Ang lolo ko po?"

Abot Langit na Pag-ibigWhere stories live. Discover now