Chapter Sixteen

1.7K 51 10
                                    

After so many daysss... I am sorry for not updating. 

Chapter Sixteen

3 years after

             "Ms. Tori, pinatawag na po kayo ng inyong lolo sa kanyang opisina", nadinig ni Estrella ang boses ng kanyang sekretarya mula sa intercom.

                  Napaka kunot noo siya, wala naman silang dapat i-discuss ng kanyang lolo tungkol sa kanilanh negosyo. Labis ang kayang pagtataka kung baki siya ipinapatawag niyo, ayaw naman niyangtanungin ang kanyang sekretarya. 

                      "Ok, I am coming" she is now a lady of sophistication, she is fierce and she is now stronger than ever. Ang mga paghihirap niya noon ang nagpatibay sa kanya ngayon.

"Lolo pinatawag niyo daw po ako?" itnigil ng kanyang lolo ang ginagawa, sa edad nitong 79 ay matikas pa rin ito, at magaling pa rin sa negosyo.

"Oo apo, nalalapit na kasi ang ika-tatlumpu't anibersaryo ng ating kompanya at nais ko sanang ipakilala ka na sa society circle na kinabibilangan mo ngayon. Gusto kong makilala ka ng aking mga kaibigan sa negosyo para pag wala na ako ay ikaw na ang haharap sa kanila." sabi sa kanila ng kanyang lolo.

"Lolo naman, hindi kayo mawawala, you are still strong! Wag mo muna kami iiwan ni Marcus" lumapit na siya sa kanyang lolo at lumuhod sa tabi nito.

"Hija, hindi ako natatakot mawala dahil alam kong nandiyan naman si Jared para alagaan kayo. Mahal na mahal ko kayo. At gusto ko lang naman na ipakilala kita sa buong mundo. Napakatalino mo apo, gusto kitang ipagmalaki sa lahat. Wag ka sanang matakot dahil protektado kita." hinaplos ng kanyang lolo ang kanyang mukha ng puno ng pagmamahal.

"Lolo, natatakot akong husgahan ng tao. May anak ho ako sa pagkadalaga. Okay lang po sana kung ako lang ang masasaktan pero ang anak ko po, ayokong masasaktan ang anak ko."

"Hinding hindi siya masasaktan dahil apo siya ni Artemio Salongga"

"Pero lolo"

"Hayaan mo na ako, please ito lang ang tanging hiling ko sa iyo apo"

"Na-natatakot po ako lolo"

"Hinding hindi ka namin pababayaan ni Jared"

"Pag-iisipan ko po"

Rodriguez Residence

"Senyorito Miguel, nakahanda na ho ang hapag" natigil na ang pag mumuni muni ni Miguel nang marinig niya ang sabi ng kanilang katulong.

Itinigil na niya ang pag-iisip at ginagawa at saka bumaba na. Tila walang pinagbago ang kaniang mansyon at hacienda. Hanggang ngayon ay malakas ang ani at ang kanilang food factory sa siyudad ay malakas pa rina ng kita. Ngunit alam niyang masama ang loob sa kanya ng kanyang mga magulang dahil sa nangyari tatlong taon na ang nakalipas.

 "Hijo, ano bang nangyari sa inyo ni Estrella? Nasaan na siya? Nasaan na?" humahagulgol ang iyak ni Donya Emilia.

"Mama, niloko niya po ako! Iniputan niya po ako saulo" pagalit na sagot ni Miguel

"Miguel! Wag na wag mong sisigawan ang iyong ina!" galit na pigil ni Don Arnulfo sa anak

"Tito, Miguel is saying the truth, we saw it wit our own eyes. She did it with your gardener" sabat naman ni Shallina.

Abot Langit na Pag-ibigWhere stories live. Discover now