Chapter Eight

2K 30 1
                                    

Here is the Update and I really hope you enjoy!


Chapter Eight


"Aling Pasing, ipaghanda mo naman kami nila Shallina ng makakain, halika Estrella at sumama ka sa amin" magiliw na sabi ni Donya Emilia.

"Tita, is it okay kung dito muna ako? I mean napagod ako ng husto sa byahe and I do not want to stay on hotels, kayo lang naman ang mga kakilala ko dito ee." palambing na sabi pa ni Shallina.

"Ahmm.. O sige hija" nasabi na lamang ng ginang.

"So, saan kayo nagkakilala ni Miguel? WHere school did you go?" sunod sunod na tanong sa kanya ni Shallina.

"Ah hija, mabilisan lang ang naging relasyon nila ni Miguel. Isa pa si Estrella ay isang mabuting babae." bawi ng ginang

Hindi naman maka relate si Estrella sa pinag-uusapan ng dalawa kaya mataman lamang siya nakikinig. Nalaman niyang isang sucessful fashion designer sa ibang bansa and babae at may sarili na ding fashion line. Ito ang mga tipo ni Miguel na sophisticated at mataas ang pinag aralan.

"Mama, nais ko ho sanang mamalengke sa bayan at ipagluto si Miguel ng mga paborito niyang pagkain para sa hapunan. Pati na din ho sa bisita natin." paalam ni Estrella kay Donya Emilia.

"Magandang ideya iyang naisipn mo hija, sige nga at pakitaan mo si Miguel ng mga iyong nalalaman sa kusina."

"Sige ho mama, mauna na ako." akamang aalis na siya ng muli siyang pigilan ng donya.

"Hija, pasensya ka na at dito ko pa pinatuloy si Shallina gayong ex- girlfriend siya ni Miguel. Sana ay naiintindihan mo ako." sabi ng ginang.

"Naku, wala ho iyon mama. Kayo naman ho ang may-ari ng bahay na ito, sige ho"

Kahit papaano ay hindi komportable si Estrella sa presensiya ni Shallina. Paano na lamang at nakita ni Miguel ang dating kasintahan. Mukhang malalim ang pinagsamahan ng dalawa idagdag pa ang napakalapit na relasyon ng Donya at ni Shallina.

Mabagal lamang ang kanyang paglakad dahil nabili na niya mga rekados na kanyang kakailanganin. Mabigat ang kanyang mga dalahin at init na init na siya. Patuloy pa rin siya sa paglalakad at hindi niya napansin ang isang malaking bulto na nakabunggo sa kanya.

"Aray!" nabitawan lahat ni Estrella ang kanyang mga pinamili.

"Pasensiya na Miss, hindi kita napansin."

"Okay lang, basta next time tumingin ka naman sa dinadaanan mo"

"Pasensiya talaga miss. Ang ganda mo kasi, I mean ang init kasi eh" bawi ng lalaki.

Holy cow! She is the most innocent face I've ever seen. She is beautiful and gorgeous  just the way she is!  Napatanga na lamang si Jared sa babaeng nakabunggo niya. Kakaibang damdamin ang naramdaman ni Jared para sa babae.

Agad namang tinulungan ni Jared ang babae.

"Salamat ha, sige aalis na ako." paalam ng babae sa kanya. 

Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.



Isang oras at kalahati din ang ginugol ni Estrella sa pamamalengke. Hapon na siya nakauwi, tama lang para sa hapunan na ihahanda niya para sa asawa.

Abot Langit na Pag-ibigWhere stories live. Discover now