22

4.9K 112 7
                                    

Chapter 22

"Ang lakas din ng trip mo eno?" tanong sa akin ni Maqui. Andito kasi kami sa Gateway at hinihintay namin dumating si Elmo.

"Bakit nanaman?"

"Mantikin mong napapayag mong magcommute yung conyong yun? Hahahaha." hagalpak niya. Natawa na rin ako habang tumatango.

"Pero nung nalaman niyang sa Gateway natin siya kikitain, nagsabi siyang magdadala siya ng kotse papunta dito. Medyo madaya pa din." sabi ko.

"Pero magccommute pa rin siya kasama natin sa Divi. Idol na talaga kita bes. Hahahaha."

"Ganyan talaga. Ayoko rin kasing mahirapan siya sa parking dun. Ang ganda pa naman ng kotse niya. Baka mamaya pag-uwi niya puro gasgas na yung kotse niya dahil sa mga tao dun."

"Wow naman sa concern bes." aniya habang pumapalakpak pa. "Concerned sa kotse pero sa kanya hindi ng slight?"

"Hoy grabe ka. Syempre concerned din ako."

"Utot mo gold, bes." irap niya. "Hep! Speaking of the devil, the devil is here." aniya pa sabay nguso sa likuran ko.

Lumingon ako at nakita si Elmo na naglalakad papalapit sa amin. Malapad ang ngiti niya at halata sa aura niyang excited siya sa tila bagong adventure na maeexperience niya. Ewan ko ba dito. Bano talaga sa lahat ng bagay to eh.

"Hello!" bati niya nang makalapit na sa amin.

"What's up jowang hilaw ng bestfriend ko? Clingy much at pati Divisoria susuungin mo basta makasama mo lang si Julie ha?"

"Ha? Ah... Hehe." medyo nahihiyang sambit ni Elmo habang nagkakamot ng ulo. "I-I just want to accompany you guys para alam ko lang na safe kayo lalo na si Julie."

"Tabalu keka. Tara na!" ani Maqui.

Nauna ng maglakad si Maqui at sumunod naman kami ni Elmo sa kanya paakyat sa LRT Station.

"What did she say?" tanong ni Elmo sa akin.

"Ewan daw niya sayo. Hahaha." paliwanag ko. "Oo nga pala. May dala ka bang wallet? Phone?"

"Meron." sagot niya.

"Amin na. Maraming snatcher sa Divisoria kaya itatago muna natin yan dito sa bag ko. Wag kang mag-alala. Ibabalot natin ng tshirt yang mga yan. Nakalimutan ko kasing sabihin sayo na wag ka na magdala ng mga ganyan eh."

"Bakit?"

"Kasi nga halos lahat ng nakakasabay mo maglakad dun may 90% chance na kawatan. Tsaka wag na wag kang hihiwalay sa amin. Pairalin mo na yang pagkaclingy mo kay Julie. Tsaka utang na loob, wag kang shunga dun ha? Nahahalata ng mga tao dun kung bagong salta ka sa Divisoria o hindi. At wag na wag kang makikipag eye contact sa kahit sinong kumausap sayo na hindi mo kilala. Madaming nabubudol dun. Tsaka wag kang mabagal maglakad. Madaming nasasaksak dun. At yang phone mo ipatago mo kay Julie. Baka mapamember yan sa GSM dun sa labas ng 999 mall sige ka."

"Wow bes ha. Hindi ka naman masyadong nananakot niyan? Tignan mo si Elmo oh. Namutla na!" sabi ko.

"Julie Anne, nagsasabi lang ng totoo. Alam mo mga likaw ng bituka ng mga tao dun." sabi naman niya.

"Uh... I have a question?" ani Elmo.

"Ano yun?" sabay na tanong namin ni Maqui.

"What's GSM?"

"Gin yan! Taksyapu mo! Julie Anne, ika na yng makipag-usap ken. Masakit yng buntuk ku!" iritang sabi ni Maqui saka na siya tuluyang naglakad papunta sa counter.

"What did I do now?!" pagtataka ni Elmo.

"Hahaha. Wala naman. Wala lang talagang tiyaga yang si Maqui. GSM means galing sa magnanakaw. Ganun kasi madalas yung mga phone na binebenta dun." explain ko.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon