44

3.3K 87 3
                                    

Chapter 44

Natapos kami mag-usap ni Elmo dahil sa pangungulit ni Maqui na umalis na kami. Sinundan ko na siya palabas ng bahay nila saka na kami sumakay ng jeep papunta sa Farmer's kung saan kami sasakay ng MRT papuntang MOA.

"Naeexcite na ko bes! 2015 Book Festival na! Ang daming libro nanaman niyan." sabi ni Maqui habang pumapalakpak pa. Tumawa naman ako at tumingin lang siya sa akin. "Tinatawa mo?"

"Wala. Wala ka namang pambili pero excited ka." asar ko.

"Namo! May pambili ako no! Libre pa kita diyan eh. Tsaka nakita ko kasi na isa sa guest authors si Mitch Albom. Eh ipapapirma ko sana tong mga libro ko sa kanya. Gaga ka." irap niya.

"Hahaha. Oo na." sabi ko.

"Sana sana maabutan natin si Mitch Albom. Please please Lord. Please!" ani Maqui habang papalapit kami sa Taft station.

"Andun pa yun." sabi ko.

"Eh 5 yung start ng talk niya eh! Anong oras na bes! Mag-aala sais na! Kasi naman pwede namang mag-usap mamayang pag-uwi eh. Kasi eh." iritang sambit niya at tumingin pa ng masama sa akin.

"Edi sana si Gino niyaya mo. May kotse ka sana." sabi ko. Umirap naman siya at nang huminto ang tren ay nagmadali na maglakad palabas ng station. Tamo yun. Nang-iiwan. "Hoy Maq!" tawag ko habang hinahabol siya.

"Bilisan mo maglakad, Julie Anne! Kapag di ko naabutan si Mitch Albom, isusumpa kita!" aniya habang naglalakad ng mabilis.

"Heto na nga." sabi ko.

Nakarating kami sa terminal ng jeep papuntang MOA at nakitang kakaalis lang ng naunang jeep.

"Pila na lang po muna tayo mga binibini." sabi ng barker.

"Kuya, matagal pa ba dito?" tanong ni Maqui.

"Saglit lang po madam. Parating na po yung isang jeep." sagot naman niya.

"Tsk. Paimportante naman tong mga jeep na to." bulong pa niya.

"Haha. Kalma lang Maq. Gusto mo mag taxi na tayo?" alok ko.

"Wag na." tanggi niya naman.

Naghintay na kami sa paparating na jeep. Pahaba na nang pahaba ang pila pero wala pa ring dumarating.

"Taxi na tayo." alok ko uli.

"Wag na. Mababawasan pa yung pambili kong libro." sabi ko.

"Ako magbabayad sa taxi bilis na." pamimilit ko.

"Wag na sabi. Abot pa naman siguro tayo kahit book signing na lang." aniya at saka tumingin sa watch niya.

"Asan na ba kasi si Gino? Nakabalik na siya ng Pilipinas diba? Nakita ko nagpost siya sa Facebook niya eh."

"Ewan ko dun." aniya. "Huling beses kaming nag-usap yun pa yung nasa Singapore siya. Hanggang ngayon wala pa. Siguro nakalimutan na nga talaga niya ko."

"Maq..."

"Pfft. Maliit na bagay lang to bes. Parang dati lang to. Lilipad din." matamlay na ngiti niya sa akin.

Nagulat kaming dalawa nang may biglang lumapit na matanda sa amin. Namamalimos siya at hinawakan niya pa sa braso si Maqui.

"Neng, kahit pangkain lang." sabi nito.

"Wala po, la eh. Pasensya na po." sagot naman ni Maqui.

"Sige na neng. Kahit pambiling tinapay lang. Mukha ka namang mayaman eh." anito habang hinihimas pa ang braso ni Maqui.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon