42

3.9K 93 2
                                    

Chapter 42

"So? Anong sabi mo?" tanong ni Maqui nang magpunta ako sa bahay nila kinabukasan.

"Sabi ko ayos lang." sagot ko naman.

"Di mo man lang pinigilan? Di mo tinanong kung bakit?"

"Tinanong. Pero di ko na pinigilan." sabi ko. Tumingin siya sa akin ng may pagtataka saka pa huminto sa paghihiwa ng gulay para sa kakainin namin.

"Bakit?"

"Maq, kapag di ko siya pinayagan, baka pag-awayan pa namin yun. Isa pa, pamilya niya naman ang kasama niya. Siguro mababahala ako kung ibang babae kasama niya. Pero di naman eh. Family niya yun."

"Andun na nga tayo. Pero gets mo ba bes? Gusto din ng mga lalaki yung sinasakal ng very light. Para naman sigurado silang mahal talaga sila nung nga mahal nila."

Suminghap ako saka tumingin kay Maqui. Nakatitig lang din siya sa akin at kalauna'y nagbalik sa paghihiwa.

"Mahal ko siya. Alam niya naman yun. At alam mong di ako yung tipo na nananakal sa relasyon."

"Sabi ko nga. Mana ka sa mama mo eh." aniya.

"Bakit mo naman nasabi yan? Eh hindi mo naman nakilala si mama."

"Julie Anne, sa tingin mo ba, kung hindi hinayaan ng mama mo na maging malaya ang tatay mo at mag-isa na lang mamahala sa business niyo, tingin mo mambababae ang tatay mo?"

"Maq, kahit gaano kahigpit ang asawa, kung gusto mong lumandi sa iba, magagawan mo ng paraan yan."

"Pero Julie Anne, mas maraming lalaking nagloloko dahil yung mga asawa nila masyadong mabait at maluwag. Gets mo?"

"Teka. Bakit napunta sa nanay ko yung usapan? Ako ang may problema dito eh."

"Wala lang. Ginagaya ko lang yung sitwasyon mo sa naging sitwasyon niyo noon. Baka sakali lang kasing may natutunan ka sa nangyari sa inyo."

"Alam mo kung ano talagang natutunan ko dun? Yung wag magtiwala agad sa mga lalaki."

"Kaya sinuko mo agad ang Bataan?" pigil-tawang sabi niya. "Ang sabihin mo, wala kang natutunan ni isa. Kasi kung meron edi baka sakaling man-hater ka o kaya naman eh tatanda kang dalaga."

"Fine. Wala ng natutunan kung sa wala. Pero masaya naman ako ngayon eh. Masaya ako kay Elmo."

"Obvious naman. Nakalimutan mo nga ako sa sobrang saya mo sa kanya eh." aniya pa.

Tinignan ko siya ng masama at humagalpak lang naman siya sa tawa.

"Hahahaha. Joke lang! Pikon ka nanaman." sabi niya. "Ang seryoso kasi masyado ng usapan."

"Psh. Ewan ko sayo." irap ko.

"Pikon. Hahaha." tawa niya uli saka na nagpatuloy sa ginagawa. "Halika na nga. Lutuin na natin yang pancit para makakain na. Nagugutom na ko eh."

"Kailan ka ba di nagutom? Takaw-takaw mo di ka naman tumataba."

"Oh. Inggit ka nanaman kasi sexy ako? Hahaha. Bes, ganyan talaga kapag maganda." aniya sabay tayo at lakad papuntang kusina.

"Daming alam." sabi ko saka na sumunod sa kanya.

Nagsimula na kaming magluto. Habang niluluto niya ang pancit ay ako naman ang nagtoast sa tinapay. Pagkatapos ay umupo ako sa banggerahan at pinanuod si Maqui sa ginagawa.

"Maalala ko bes. Yung lalaking nasa isla? Yung tingin nang tingin saten nun? Napansin mo ba? Ang creepy niya taena."

"Sino dun?" tanong ko.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon