12

4.7K 112 7
                                    

Chapter 12

Hindi ko alam kung bakit habang pinapanuod ko ang pag-alis ni Elmo ay malapad ang ngiti ko. Dahil ba nalinawan na ko sa lahat? Dahil wala pala talaga siyang anak at asawa? Dahil ba may gusto siya sa akin? Ewan. Basta para akong timang dito na ang lapad-lapad ng ngiti.

"Mare, ayos yung manliligaw mo ha? Bigtime!" sabi ni Kuya Boyet.

"Hindi ko manliligaw yun." sagot ko.

"Ano ka ba, tol. Syota na niya yun!" ani Kuya Jun.

"Hindi rin no!" depensa ko.

"Wooshooo! Eh pre, kung hindi mo manliligaw at hindi mo rin syota, ano mo yun?" tanong ni Kuya Jerry.

"Wala. Kaibigan ko lang yun." sabi ko. "Sige na mga kuya. Uwi na ko." paalam ko saka na pumasok sa compound.

"Sige pre, pero next time tatagay na yung syota mo kasama namin ha?" pahabol ni Kuya Boyet.

"Opo kuya!" sagot ko.

"Kabataan talaga ngayon, hangga't kayang itanggi yung relasyon, itatanggi nila." rinig ko pang sabi ni Kuya Mario kasabay ng tawanan nila. Napailing na lang ako saka na naglakad pauwi sa bahay.

Pagpasok ko ay nagulat pa ako dahil gising pa si Harry at Ninang Maricar. Kunot-noo at nakahalukipkip si Harry habang si Ninang Maricar naman ay simpleng nakangiti lang.

"Ate, s-saan k-ka galing?! I-iwan mo n-naman si H-Harry." bungad niya.

"Kanina pa nagsusungit yan. Di ka nanaman daw nagpaalam." pigil-tawang sabi ni ninang.

Lumapit ako sa kanila saka nagmano kay Ninang Maricar pagkatapos ay tumabi kay Harry saka humalik sa pisngi niya.

"Harry, nagpaalam kaya si ate sayo kagabi. Diba sabi ko sayo may pupuntahan akong bridal shower? Kaya nalate umuwi si ate." sabi ko. "Wag ka na magalit. Andito na si ate oh."

Ngumisi siya saken saka pa tumango. Madali namang mapaamo tong si Harry eh. Hindi naman siya kagaya ng iba na mahirap pakiusapan.

"A-ate, p-pasalubong?" tanong niya.

"Hala. Hindi nakabili si ate." sabi ko at agad namang bumagsak ang balikat niya. "Di bale. Bukas ha? Pag-uwi ko bibilhan kita ng spaghetti sa Jollibee. Gusto mo?"

"O-opo! Yeheeey!!!" palakpak niya.

"Osige. Matulog ka na ha? Anong oras na oh." sabi ko sabay tingin sa relo ko. Alas tres na pala. Anong oras nanaman ako magigising nito. May pasok pa pala ako mamaya.

"Sige na anak. Matulog ka na." ani Ninang Maricar.

"Maya-maya po, ninang." sabi ko. Sakto naman ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko iyon at nakita ang isang text mula sa unknown number.

09214636333:

Hey, it's Elmo. I'm home na. Siguro tulog ka na but I just want you to know na I arrived safely naman. Good night, Julie. 😊

Me:

Hi, Elmo. Buti naman nakauwi ka ng maayos. Thank you pala ha? Sorry din if I doubted you. Uhm... Good night! 😊

"Mukhang masaya ka anak ah." nagulat ako kay ninang nang tabihan niya ako sa sofa.

"Po? Ah... H-hindi naman. Nag-enjoy lang po ako." sabi ko.

"Oo nga pala. Sino pala yung kasama mong umuwi? Si Maqui ba? Asan na siya?"

"Huh? Ay hindi po. Ano... Kaibigan ko po."

"Sino?" tanong niya. Ngumiti lang naman ako at agad niya namang nakuha iyon. "May boyfriend ka na ba anak? Ayos lang naman kay ninang eh. Malaki ka na at alam kong alam mo na ang ginagawa mo. Isa pa, ayoko rin namang ikulong ka sa responsibilidad mo kay Harry. May sarili kang buhay at hindi ko ipagkakait yun sayo."

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon