10

4.8K 134 22
                                    

Chapter 10

Andito nanaman ako sa bar. Bakit ba kasi dito pa naisipan magcelebrate ng bridal shower nitong magiging hipag ni Maqui eh. Pero ayos lang. Mukha namang di siya tumatambay dito. At mukhang hindi naman magtatagpo yung mga landas namin. Teka. Bakit ba siya ang iniisip ko? Hindi ko dapat iniisip ang lalaking yun. Jusme. Pakiramdam ko kabit ako eh. Nung Lunes kasi binigyan kami ni Lexine ng damit. Halatang mamahalin dahil may tatak. Pero ang di ko matanggap ay may dalawang kwintas na kasama yung sa akin. Isang may puso na pendant at isang feather. Bakit niya ko kailangang bigyan ng ganun? Yung damit halatang galing kay Lexine dahil magkamukha kami ni Maqui ng damit maliban lang sa kulay. Pero yung nga kwintas... Kung galing kay Lexine yun, panigurado meron din si Maqui. Pero wala eh. Ako lang. Jusko. Hindi po ako kabit. Una't huli na po to. Promise!

"Julie, shot mo na!" sabi ng isa sa pinsan nila Maqui.

"Huh?" pagtataka ko.

"Ikaw na." sabi ni Karen.

Tumango na lang ako saka na kumuha ng isang tequila shot at naglagay ng asin sa likod ng kamay ko. Ininom ko na iyon saka na kumuha ng lemon pagkatapos.

Naghiyawan at nagtilian sila nang matapos ako. Ewan ko sa mga to. Tama nga si Maq. May pagka-OA tong mga kamag-anak ng magiging hipag niya. Buti di niya kamag-anak mga to.

"Bes, tara muna sa labas. Naiihi na ko. Samahan mo ko." sabi niya pagkatapos niyang uminom ng shot niya.

"Tara. Ako din naiihi na eh." sabi ko naman.

Lumabas na kami sa pinto at nagulat pa nang may matamaan kaming mga lalaki.

"Ay shit! Sorry!" sabi ko.

"Ouch!" sabay-sabay na sabi nila. Lumapit kami sa kanila saka pa sila tinignan.

"Uhm... Okay ka lang?" tanong ko dun sa isa. Nag-angat siya ng tingin at nanlaki ang mata ko sa nakita. Bakit siya andito? "Uhm... Mukha namang okay ka. Sige ha? Aalis na kami. Maq tara na!" sabi ko sabay hatak kay Maqui palayo.

"Anne!" sigaw niya. Napapikit ako saka pa hinatak lalo si Maqui.

"Aray ko, bes ha?! Tawag ka niya!"

"Hindi ako yun! Bilisan mo sasabog na yung pantog ko!" sabi ko.

"Anne!!!" sigaw nanaman niya.

"Julie, tawag ka!"

"Pauulit-ulit tayo dito Maqui. Hindi nga ako yun eh!" sabi ko.

Pumasok na kami sa cr at nilock ko pa ang pintuan nun. Mabuti na lang at walang ibang tao.

"Ewan ko sayo, Julie Anne. Obvious namang ikaw tinatawag niya. Nako! I-Jennifer Laude kaya kita? Sakto cr to oh. May inodoro. Lecheng to." sabi ni Maqui saka na pumasok sa isang cubicle. Pumasok na rin ako sa kabila at saka na umihi.

"Mamaya na tayo lumabas. Baka andyan siya."

"Alam mo kasi, kausapin mo na lang kasi siya. Kaysa naman yung takbo ka nang takbo everytime nakikita mo siya. Kabog mo pa yung may utang eh." sabi niya. Narinig ko na ang pagflush niya sa toilet. Tumayo na rin ako saka nagflush at pagkatapos ay lumabas na.

"Ano ba kasing dapat naming pag-usapan? Eh diba wala naman ng pag-uusapan? Kasi alam naman ng lahat na one night stand lang yun. At isa pa, may asawa't anak na siya Maq."

"Yun nga eh. Linawin mo yan sa kanya. Hindi yung takbo ka nang takbo. Kakastress ka din eh!" reklamo niya saka na binuksan ang pinto.

"Maqui!" tawag ko. Nahinto ako dahil nakita kong naghihintay sa labas si Moses. "Maqui..."

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon