54

3.4K 89 4
                                    

Chapter 54

Ilang araw na ang lumipas pero parang kanina lang nangyari yun. Masakit pala talaga ang makita mong nakikipaghalikan yung taong mahal mo sa iba. Nung nakita ko sila nung araw na yun, para akong sinaksak ng paulit-ulit sa dibdib hanggang sa wala ng natira sa puso ko sa sobrang pagkadurog nun. Grabe. Minahal ko naman siya eh. Inalis ko yung takot sa puso ko. Kasi akala ko iba siya. Pero mali pala ako. Marami nga talagang namamatay sa maling akala. Pare-pareho lang pala talaga sila.

"Ang daya-daya niya. Ni minsan hindi naman sumagi sa utak ko na may ibang tao akong mamahalin. Bakit ganun siya? Sabi niya wala namang namagitan sa kanila. Sabi niya hindi niya minahal ang babaeng yun. Sabi niya, ako lang. P-pero bakit ganun?" iyak na tanong ko. "Mama bakit ganun? Bakit ginawa niya yun?"

Tinitigan ko ang lapida ni mama habang patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Mama, kailangan kita ngayon. Sana andito ka pa sa tabi ko. Kasi ma, ikaw lang ang makakapagpakalma sa akin eh. Mama bakit mo ko iniwan? Bakit hinayaan mong maiwan ako at masaktan ng mga taong mahal na mahal ko?"

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Para akong nababaliw dito na iyak nang iyak kay mama. Alam ko namang di niya ginusto tong mga nangyari sa amin pero kailangan ko siya. Gusto kong mayakap siya.

"Mama, ang sakit pala talaga no? Minsan ka na nga lang magmahal sasaktan ka pa. Ang daya-daya naman nila, ma." iyak ko. "Ganito din ba naramdaman mo nun, ma? Nung nakita mo sila? Ganito din ba kasakit? Kasi pakiramdam ko sobrang sakit eh. Ang sikip sa dibdib. Nakakamanhid sa katawan. Mama, ayoko na."

Iyak lang ako nang iyak kay mama. At kung minamalas ka nga naman, pati langit nakikisimpatya sayo. Bumuhos ang malakas na ulan.

"Mama, kunin mo na ko." hagulgol ko habang hinahaplos ang pangalan ni mama. "S-sana hindi ko na lang siya nakilala. S-sana di ako sumama sa kanya nung birthday ko. S-sana hindi ako pumayag maging magkaibigan kami. S-sana hindi ako pumayag na ligawan niya ko. Sana h-hindi ko na lang siya minahal..."

Nagulat ako nang biglang mawala ang buhos ng ulan sa pwesto ko. Umuulan sa ibang parte pero sa akin, nawala ang mga patak nito.

"Don't you have an umbrella? It's raining." narinig ko ang isang pamilyar na boses.

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Joaquin na nakatayo sa tabi ko at may hawak na payong. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko siya nginitian pabalik.

"Ouch. Snob pa din?" aniya.

"Leave me alone." sabi ko saka hinarap uli si mama. "Ma, babalik na lang ako sa ibang araw." bulong ko saka na tumayo.

Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya nang maramdaman ko siyang sumusunod sa akin.

"You could get sick, you know?" aniya.

"Alam ko di ako bobo." matigas na sambit ko. "Wag mo nga akong sundan."

"Why?"

"Dahil ayoko."

"Ayaw mo o ayaw ni Elmo?"

"Wag mong banggitin ang pangalan ng lalaking yan." sabi ko saka na binilisan ang paglalakad. Narinig ko ang mga yabag ng paa niya at maya-maya pa'y katabi ko na uli siyang naglalakad habang pinapayungan ako.

"Where's your car?"

"Wala ako nun." sabi ko.

"Paano ka uuwi?"

"Marunong ako magcommute."

"Come on, Julie. I'll bring you home."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo." sabi ko. Punyeta naman Joaquin. Wag ka namang sumabay ngayon! Hindi ka ba makaramdam na nasasaktan ako at gusto kong mapag-isa?!

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon