CHAPTER 15 ~ His ~

122K 2.9K 207
                                    

CHAPTER 15

DAWN'S POV

Nagtama ang mga mata namin ni Triton ng maghiwalay ang mga labi namin. Parang naging mahinang ugong na lang ang mga tilian ng mga fans na kinikilig at ang mga galit na sigaw ng mga fans niya na hindi matanggap ang nangyari.

"Tri..."

Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko ng kung mula saan ay may malakas na kumalabog. Pamilyar na tunog na nakagisnan ko ng marinig; ang tunog ng pagputok ng baril. Mabilis na hinila ako ni Triton at ibinaba ng sasakyan kasabay ng pagpulasan ng mga tao na kanina lang ay pinanonood kami. Ipinasok ko ang paperbag na hawak ko sa loob ng knapsack ko para magawa kong magamit ang mga kamay ko kung kinakailangan.

"Let's get out of here!" sigaw ni Triton.

Hindi madali na makalagpas sa mga taong natataranta na magtago kung saan-saan habang naririnig ko pa rin ang ilang mga putok ng baril. Pinapanalangin ko na lang na wala sanang matamaan.

"Car!" I shouted at him.

"Too late!"

Lumiko kami sa isang eskinita. Alam ko na sinusundan kami ng kung sino man na nagpapaputok sa amin. Habang patuloy sa pagtakbo ay may pinindot ako sa bracelet na suot ko. We need back up.

"Left, Triton!"

"No, right!"

"Left!"

"Right!"

Huminto ako at dahil nakahawak siya sa akin ay wala siyang nagawa kundi huminto rin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at itinapat ko sa kaniya ang nakakuyom ko na kamao. Hindi kami matatapos kung hindi kami magkakasundo. "Dalian mo! Ayokong umuwi na puro butas ang katawan ko, Lawrence."

Mabilis na nag bato-bato pick kami. Inirapan ko siya at ako na ang humawak sa kaniya ng ako ang nanalo. Kumaliwa kami.

Habang tumatakbo ay may kinakabit na rin ako na plug sa tenga ko na hinugot ko mula sa compartment ng phone case na nasa bulsa ko. May pinindot ako sa phone ko at diniinan ko iyon. Alam ko na ididirekta n'yon ang tawag kay Freezale.

Nakahinga ako ng maluwag nang sagutin niya iyon. "Freezale-"

Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko at kaagad na siyang nagsalita. "Yes, I know. Bad news, walang malapit na agents sa inyo. Isa pang bad news, mali ang dinaanan niyo. You should have turn right."

Nilingon ko si Triton na hindi naman nakatingin sa akin. Kahit kailan talaga swerte ang mokong. "Wala ka na bang iba pang balita Freezale?"

"Meron. Isa pang bad news. Hindi kayo pwedeng umatras dahil nakasunod sila sa inyo. Wala na din kayong ibang dadaanan kundi ang tinatahak niyo."

"Isa pa." sabi ko na umaasang may magustuhan naman ako sa sasabihin niya.

"Bad news ulit. Hindi matao sa dulo. Bihira ang dumadaang sasakyan."

I gritted my teeth in frustration. "Wala bang good news?!"

"No comment."

Shit, shit shit! Nilingon ko ulit si Triton. Seryosong-seryoso ang ekspresyon sa mukha niya. Hindi na lang ako ngayon ang nakahawak sa kaniya dahil parehong magkasalikop na ang aming mga kamay. "Do you have a gun with you?"

Tumingin siya sa akin. "Of course."

"You have one and I have one. Not enough." Hinawakan ko ang plug ko ng muntik na iyong mahulog. This is why I like the LD better. Nakakabit na iyon sa mismong tenga namin at maliit lang iyon. "Freezale, who's after us?"

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon