CHAPTER 17 ~ TLT ~

137K 3K 223
                                    

CHAPTER 17

DAWN'S POV

Hindi ko alam kung bakit pero tumatakbo kami ni Triton. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nahihintakutan na panaka-naka ay lumilingon sa pinanggalingan namin. Kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari alam kong may humahabol sa amin na nakakatakot na bagay.

"T-Triton..."

"Maaabutan na niya tayo!"

"Ano ba ang humahabol sa atin?"

Tumigil siya sa pagtakbo at tinakpan ang bibig ko. "Hindi mo ba naririnig? Hinahabol niya tayo!"

"S-Sino?"

"Nakakatakot na halimaw-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay may bigla kaming narinig na kaluskos. Animo itinulos si Triton sa kinatatayuan niya at namumutlang lumingon sa pinanggalingan ng tunog. Kinakabahang lumingon rin ako roon.

Napanganga ako sa nakita ko. "What the!"

Nakasimangot na tinignan ko si Triton nang ubod ng lakas siyang sumigaw. "Ano ka ba naman Tri? Pusa lang iyan!" itinuro ko pa ang kulay orange na matabang pusa na nakatingin lang sa amin.

Sunod-sunod na umiling siya. "Hindi mo ba naiintindihan? Siya ang pinakanakakatakot na halimaw sa buong mundo."

"What? You're crazy-"

Ako naman ang natigilan ng may marinig ako na ingay at kasunod ay malalaking yabag. Pakiramdam ko ay nalunok ko ang puso ko ng biglang sumulpot ang isang malaking leon. "Roar!"

"Tumakbo na tayo Triton!"

Nakangiti na na binalingan niya ako. "Hindi. Iyan ang kaibigan natin! At sabi niya, 'I Love You' daw."

"Roaaar!" malakas na umangol ang leon at tumakbo papunta sa amin. Ang mga matatalas na ngipin ay kumikintab, ang mga kuko ay nakahanda na upang salakayin kami. Ngunit bago pa siya tuluyang makarating sa amin ay huminto ito at lumikha ng ingay. "You're gonna hear me roar! Oh oh oh oh oh oh!"

Hinihingal na napamulat ako at wala sa loob na hinablot ko ang cellphone ko at pinindot ko iyon. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ng boses mula sa kabilang linya. "Good morning, Master!"

"Triton Lawrence!"

Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya. "Umm, yes, sweetie?"

"Bakit iba ang ring tone ng cellphone ko?!"

"Hindi mo ba nagustuhan? Ang cute nga eh! Bagay sa ating dalawa!"

Napasapo ako sa noo ko. Kung hindi lang talaga! Kung naging leon lang ako baka matagal ng guraguranit si Triton sa akin. "Triton, listen to me. You don't hack my phone, you don't change my ring tone, and you don't touch my phone ever! Get me?"

"Is that a bad thing?"

"Yes!"

"Oh. Okay!"

Huminga ako ng malalalim. Calm down, Dawniella. Tandaan mo na ang kausap mo ay ang taong may attention span ng squirel, utak ng six years old, at ang taong pinili ng pesteng puso mo na hindi ata alam ang matino sa baliw.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon