CHAPTER 22 ~ Crazy ~

111K 2.7K 142
                                    

CHAPTER 22

DAWN'S POV

"Dawn..."

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang unang sumalubong sa akin ay ang nag-aalalang mukha ni Triton. Bakit siya nag-aalala? May nangyari ba?

"Tri...w-what's wrong?"

"May masakit ba sa iyo?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Pakiramdam ko nga ay natulog lang ako ng mahimbing. "Hindi kita maintindihan."

"Look around you." he whispered.

Sinunod ko ang sinabi niya. Kumilos ako upang umayos ng upo pero sa gulat ko ay hindi ko maigalaw ang katawan ko. Bumaba ang mga mata ko at nakita ko na nakatali ako sa upuan. Hindi iyon mahigpit pero halatang praktisado ang nagtali dahil imposible na makakawala ako rito.

That's a new one. Kahit ano nakakayanan kong gawan ng paraan para makaalis. But this kind of binding...it's different.

Inilibot ko ang paningin ko. Walang kahit na anong gamit ang abandonadong lugar na kinaroroonan namin maliban sa iisang ilaw na nakasabit mula sa ding-ding. Katulad ko ay nakatali din si Triton sa isang upuan na katabi ng sa akin.

"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ko.

Saglit na tumingin si Triton sa pintuan bago niya ibinalik sa akin ang atensyon niya. "Kagigising ko lang din nang magising ka. Hindi ko alam kung nasaan tayo at kung sino ang dumakip sa atin. Wala ka bang naaalala?"

Umiling ako. "Naaalala ko lang na tumawag tayo kay Freezale pagkatapos ay may kumuha sa atin."

"Claw?"

"Probably." Tinignan ko muli ang pagkakatali sa akin. "Kailangan nating makaalis dito. We don't know who we're dealing with."

Pinakiramdaman ko ang tali sa katawan ko. Hindi katulad ng ilang mga pagkakataon na nasadlak ako sa ganitong sitwasyon sa mga past missions ko ay hindi mahigpit ang pagkakatali nito. Pero dahil sa estilo ng nagtali na para bang bata na naglalaro ang gumawa ay hindi ko malaman kung paano ko kakalagin ito. Tinalo ko pa ang magtatanggal ng sobrang buhol na mga cord.

Napatingin ako kay Triton ng sinubukan niyang ikilos ang upuan niya palapit sa akin. Pero dahil nakatali din ang mga paa niya ay tumumba ang upuan niya. Mabuti na lang at nasalo siya ng kinauupuan ko kaya ngayon ay patagilid na nakasandig siya sa akin.

"Shit!" he cussed in agitation.

"Focus."

I moved and lean on him. I ignored him when his body bucked with surprise as I bit the rope around his shoulder. Gamit ang mga ngipin ay pilit na hinila ko iyon pero wala pa ring nangyari. "This is hopeless."

"No, no. We can't stay here. Kapag sinaktan ka nila-"

"They can hurt you too."

Kailangan naming makaalis dito. Hindi ko makakaya kapag may ginawa sila kay Triton sa harapan ko at alam ko na ganoon din si Triton sa akin. Malaki ang posibilidad na ang Claw ang may pakana nito. Sino pa ba ang may lakas ng loob para kunin ang dalawang boss ng BHO CAMP?

Our enemies have something in common. They all want to stay out of our ways. Pero iba ang Claw. They are fighting us head on. Kaya hindi na nakapagtataka kung sila nga ang may gawa nito. Unless there's someone else who doesn't fear us and what we can do if we retaliate.

"Tri, move closer."

Naramdaman ko na pilit na pinagalaw niya ang kinauupuan niya habang ako naman ay inililibot ang paningin. There's no security cameras...

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon