CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~

143K 2.6K 132
  • Dedicated kay BHOCAMPERS
                                    

CHAPTER 28

DAWN'S POV

Napamulat ako ng mga mata ng maramdaman ko na may dumagan sa akin. Nilingon ko ang katabi ko at napailing na lamang ako. Kung hindi ko lang pinsan si Sky baka kanina ko pa siya pinagulong palabas ng bahay.

"Wake up, Sky. Ang bigat mo."

Umungol siya at inalis ang braso at binti niya sa akin. "Sexy ako."

"May dalawa ka ng anak."

"Dahil nga sexy ako."

Nakakunot ang noo na umupo ako at pagkatapos ay tinignan ko siya. "Anong kinalaman no'n sa pagiging sexy mo?"

"Hindi ako magkakaroon ng dalawang anak kung hindi dahil sa adik si Adonis sa kasexyhan ko. That man will turn part cave man with just a wink from me."

Hindi ko na sana papansinin ang kayabangan niya kung hindi lang ako may narinig na pagtawa mula sa kung saan. Napangiwi ako ng makita ko na nakatayo sa pintuan si Adonis na may dala-dalang mga paper bag.

"That's my husband." Sky murmured with her eyes still closed.

"At paano mo naman nalaman?" tanong ko.

"Because I can turn part cave woman with just his laugh."

Napatawa na lamang ako ng magmulat ng mga mata si Sky at patakbong nilapitan ang asawa niya. Adonis' who's very familiar with his wife's behavior gently put down the paper bags and catch his sleepy wife. "Hey there, Miss."

"Pa-kiss nga Stranger."

"Copy that."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Basta talaga magkasama ang dalawang iyan ay wala silang pakialam sa paligid nila. Tumayo na lamang ako mula sa pagkakaupo sa kutson at hindi na pinansin ang dalawa na parang mga teen-ager na uhaw sa isa't-isa.

I looked around me and grimace at the view. Imbis kasi na matulog sa mga kwarto rito sa vacation house sa Laguna ay dito kami sa malaking living room natulog ng mga BHOCAMP girls. Sa kabilang vacation house naman ay nandoon ang mga lalaki. Hindi daw kami pwedeng magkita ni Triton.

Mga bandang alas dos pa lang ng hapon ay tulog na kami. Dahil nga kinakailangan na mag prepara ng gabi hanggang madaling-araw dahil pagbukang liwayway pa ang kasal namin. Mabuti na lang talaga at mga sanay kami sa abnormal na tulog.

Namataan ko si Freezale na tulog na tulog na nakahiga sa malaking sofa. May nilagay siya na kung anong device sa gilid ng sofa na nagsisilbing harang niya sa iba. Panigurado na isa iyan sa mga personal experiment niya. Sanay kasi iyan sa mga sleepover kapag natripan ng mga kapatid niya na sina Snow at Thunder kaya para hindi siya kulitin ay gumawa siya ng ganiyan.

Sa baba ng sofa ay naroon ang iba pang natutulog na mga agents. Pinagtabi-tabi lang namin ang mga matresses at doon kami natulog.

Athena's currently sleeping like a corpse. Diretsong-diretso ang katawan niya, may nakalagay na sleep mask sa mga mata niya, at may subo-subo siya na lollipop. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay malunok niya ang stick niyon o maging permanente na siyang pasyente ng dentista.

Si Hera naman ay katabi ni Athena. Siya lang sa amin ang naiiba ang bed sheet na gamit dahil may dala-dala talaga siya na sarili. May mga lace pa iyon na para bang ginawa para sa prinsesa. At sa lahat ng nandito siya lang ata ang may poise pa rin sa pagkakatulog.

The others are currently curled with each other. May iba pa na halos magpatong-patong na. Sa gitna nila ay nandoon si Snow na para namang walang pakielam sa mundo at tulog na tulog pa rin kahit halos pisatin na siya ng mga katabi niya.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon