CHAPTER 29 ~ Work Hard ~

122K 2.5K 82
                                    

CHAPTER 29

DAWN'S POV

Napatawa ako ng makalabas kami ng simbahan at sinabuyan kami ng bigas at mga bulaklak. Nakita ko pa si Ocean na kasalukuyang nanghihilakbot na nakatingin sa mga bigas na para bang karumal-dumal ang ginawa ng mga agent at bisita.

"Sayang ang bigas! Ang daming bata na nagugutom!" sigaw niya.

"Anak." tawag dito ni tito Yale.

"Po?"

"Huwag kang mag-alala at mag fe-feeding program tayo."

Ngumuso si Ocean at pagkaraan ay tumango. Naiiling na lang ako. Kaniya-kaniya talaga ng kaweirduhan ang mga agents. Pero tama naman siya. Sayang ang bigas. But anyway, may mga tradisyon talaga ang Pinoy na mahirap ng baliin.

Lumakad na kami papunta sa wedding car at papasok na sana kami ng lumapit sa amin ang driver. "Ano po iyon?"

"Eh Ma'am kanina po may lalaking lumapit at binigay sa akin ito. Ibigay ko raw ho sa inyo pag labas ninyo."

Kunot noo na inabot ko ang sobre. "Sinabi ho ba kung ano ang pangalan niya?"

"Hindi po Ma'am eh. Bigla na lang po umalis nang maiabot sa akin 'yan."

Tinignan ko ang sobreng puti. Wala namang nakasulat na kahit ano roon. Nilingon ko si Triton na ngayon ay nakasimangot na ng todo. "What?"

"Baka naman bigay iyan ng isa sa mga ex mo."

Nagkibit ako ng balikat. "Baka nga. Siguro gusto lang tayong i-congratulate." humarap ako kaila mommy na nakalapit na sa amin. "Mom, pwedeng pakitago po muna nito? I'll just read it after the wedding."

Kinuha niya iyon sa akin at ngumiti. Ilang sandali lang ay sumakay na kami sa sasakyan ni Triton at bumyahe na kami papunta sa isang resort dito sa Laguna kung saan gaganapin ang reception ng kasal namin.

Sumandal ako habang nakatingin sa labas ng bintana. I just can't believe that it's done. Hindi ako makapaniwala na mula sa araw na ito ay ibang apelido na ang gagamitin ko. That I'm officially Mrs. Lawrence.

"Sweetheart."

Nagtatanong na tinignan ko siya. Nakangiting umiling siya at hinapit ako palapit sa kaniya. A small smile curved my lips as I settled in his arms. I felt him kissed the top of my head.

"Dawn."

"Hmm?"

"Thank you."

Lumawak ang pagkakangiti ko. Hindi ko na kailangan pang tanungin kung ano ang ibig sabihin niya roon. Dahil naiintindihan ko.

"Tri..."

"Yes?"

I looked up and give him a light kiss on the lips then I whispered, "Thank you."

NAPASAPO ako sa noo ko ng mamatan ko si Ocean na ngayon ay panay ang sayaw. Napapangiwi din na nakatingin sa kaniya ang mga agents maliban sa ama niya na mukhang proud pa sa pinaggagagawa ng anak niya.

"It's time to party!"

Kararating lang namin sa venue ni Triton. Hindi na nakakapagtakang nauna sila dahil paniguradong pinaharurot nila ang mga sasakyan nila. Hindi katulad sa sinakyan namin ni Triton na tama lang ang andar.

We're in no hurry. Pakiramdam ko kasi ay para bang tumigil ang oras sa araw na ito. I don't want to rush like I normally do.

"Ocean anak, kapag hindi ka tumigil ipapakasal kita sa unang babae na sa tingin ko ay babagay sa iyo."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon