CHAPTER 8 ~ Real ~

130K 3K 289
                                    

CHAPTER 8

DAWN'S POV

Warm, soft, tender...sweet. Napatigil ako sa paglalakad at mariing napapikit. Goodness, I shouldn't be thinking of such thing in broad daylight. And especially not here.

Kasalanan ng Triton na iyon ito eh. Kung hindi niya ako inaya na mag skating at kung hindi niya ako hinarot harot doon hindi sana mangyayari ang malagim na pangyayaring iyon. Kung hindi lang talaga ako nahiya sa mga tao sa paligid ay ipinalo ko na sa kaniya ang skate shoes na basta ko na lang hinubad no'n para layasan siya. That Lawrence! Wala na talaga siyang dinala sa buhay ko kundi sakit ng ulo.

We freaking kissed! Kiss! As in my wonderful lips touched his sinful lips. Malay ko ba kung saan niya pinagdidikit ang makasalanan niyang labi. If I know kung kani-kaninong babae na nanggaling iyon. Hell! That just means that I kissed a lot of women...indirectly.

"Argh!"

Napatigil ako sa pagsisimyento at napatingin sa paligid. I mentally slapped the back of my head for forgetting. Nasa Winterwood University nga pala ako. Ang unibersidad kung saan ako nagtuturo. It's a prestigious university that is not only known for being highly accredited but also because of the students enrolled that came from well known families.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko at pilit na inignora ko ang mga matang nakasunod sa akin.

"Ang taray talaga ni Ma'am Davids no?"

"Shh! Baka marinig ka."

Hindi ko na pinansin ang mga narinig ko. Sanay na ako sa mga ganiyang bulungan. Hindi ko naman binibigyang pansin dahil alam ko namang totoo. So why bother with them right? Hindi ko na responsibilidad na ipaliwanag sa tao kung ano ako. Hindi ko rin kailangan na mag aksaya ng oras na kumbinsihin sila sa kung sino ako.

People will always believe what they want to believe. Mas mabuti ng magpakatotoo ako sa sarili ko dahil iyon naman ang mahalaga. Ang kilala ko kung sino ako.

Lumiko ako sa isang pasilyo. May klase ako ngayon na World Literature. Suppose to be Chemistry at Physics lang ang hawak ko. Pero dahil biglang nawala ang isang propesora ng unibersidad dahil nagtatago sa mga kinauutangan niyang kasamahan sa trabaho at pati na sa mga estudyante ay nawalan tuloy kami ng literature professor.

Dahil wala namang problema sa credentials ko at may background naman ako sa literatura na kinuha ko pagkatapos ko nang kolehiyo noon dahil bukod sa hindi rin ako sanay na biglang lumuwag ang schedule ko ay kinailangan ko iyon pa sa misyon ko noon ng mga panahon na iyon. But now it's different since I'm since I have more responsibilities in BHO CAMP. Suffice to say, I gladly gave it up since conflict sa schedule ko ang Physics class ko.

"Sweetheart!"

Muli na naman akong napatigil. No. It's impossible. Imposible na nandito ang monster na iyon. Imposible na boses niya ang narinig ko. No, no, no!

"Master Sweetheart!"

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Umikot ako kasabay ng pag-igkas ng kamao ko. Pero mukhang mabilis ang reflex action niya at nasalo agad ang kamao ko kasabay ng paghila niya sa akin palapit sa kaniya.

"Let go!" I hissed at him.

Ngumisi si Triton at bahagyang dumukwang para bumulong sa tenga ko. "Wag kang masyadong maingay Professor Davids, mamaya niyan bukod sa mataray mabansagan ka pang war freak."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Kung nandito ka lang para manggulo umalis ka na lang."

Pinakawalan na niya ako ngunit nanatiling nakahawak siya sa pulsuhan ko. Sinubukan kong makakawala na ng tuluyan pero hindi niya ako binitawan. "Gurabe ka naman sweetheart. Kararating ko lang pinapaalis mo na ako kaagad."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now