CHAPTER 6 ~ Dinner ~

139K 3.1K 170
                                    

CHAPTER 6

DAWN'S POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang pag dampi ng malamig na bagay sa likod ko. Langit ang pakiramdam ko sa bagay na iyon dahil pakiramdam ko nag a-apoy ang likuran ko.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang naririnig kong nagtatalo. Kumunot ang noo ko ng makita ko si daddy at granddaddy na kasalukuyang mainit ang diskusyon. "H-Hey what's going on?"

Napatigil sila sa pagtatalo at napatingin sa akin. Kaagad na lumapit sa akin si daddy habang kasunod niya si mommy na halata ang pag-aalala sa mukha.

"Are you okay baby?" Daddy asked.

"I'm fine, dad."

"Hindi siya dapat nasa ganiyang estado kung hindi dahil sa inyo!" galit na sabi ni granddaddy Poseidon.

Bumuntong-hininga ako. Alam ko kung bakit nagagalit si granddaddy sa tatay ko. Kung hindi kasi dahil sa approval niya at ni Craige Lawrence, ang dating head ng CAMP division, hindi ko magagawa ang plano ko.

"Grandad, I'm okay. Planado ang lahat."

Bumaling sa akin ang matalim na tingin ni granddaddy. Malayo sa lagi niyang nakangiting mukha. "A plan is a preparation for victory. Not a preparation for your own death."

"Grandad."

"That was a stupid plan!"

"I know. But it worked."

"Dawniella Davids-"

Matapang na sinalubong ko ang tingin niya kahit na ang gusto ko na lang ay mag-iwas ng tingin. Grandaddy might be the sunshine of BHO but he's one heck of an agent. "Sabi niyo pinagkakatiwalaan n'yo ko. Everything was successful and I went home carrying that success."

"And scars."

Nagkibit-balikat ako. Pinigilan kong mapangiwi ng makaramdam ako ng kirot. Sinubukan kong papormalin ang mukha ko ngunit alam kong hindi nakaligtas sa mga mata ni grandad iyon. "Scars can heal."

"Tama ang apo mo. May ginawa na naman noon pa ang experiment department para mawala ang kahit na anong bakas ng mga ganitong klaseng sugat." singit ni grandmommy Bree. "In no time, she'll be fine."

"Bree..."

"Calm down, Poseidon. They can handle this."

Nanghihina na napaupo si granddaddy sa gilid ng hospital bed kung saan ako nakadapa. Bahagya akong napangiti ng hinaplos niya ang pisngi ko. "You'll give me a heart attack Dawniella."

"Akala ko ba hindi ka pa matanda grandad?"

Ngumisi siya. "Hindi pa nga. Bree my loves, my darling, my doki doki, my heroine, my other half, my-

"Oo na. Halika na at umalis na tayo."

Hinila na niya si grandaddy pero bago sila tuluyang makaalis ay hinampas niya ang braso ni daddy na nanlalaki ang mga matang napasinghap sa pagkagulat. "Kapag napahamak ulit ang apo ko, ibibitin kita ng patiwarik at lulunurin kita. Tandaan mo yan Benjamin Warren Davids."

"Mom!"

"Hindi pa tayo tapos."

Pagkasabi ni grandmommy niyon ay tuluyan niya ng hinila paalis ang ngingisi-ngisi niyang asawa na binelatan pa si daddy.

"Tatanda ako ng maaga sa mga magulang ko." nahahapong sabi ni daddy.

"Nag-aalala lang ang mga iyon dad."

Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya. "Dawniella, oo at pinayagan kita pero hidi ibig sabihin n'yon ay mauulit pa ang ganito."

Napabuntong-hininga ako. "Alam ko po."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon