CHAPTER 14 ~ This Time ~

133K 3K 205
                                    

CHAPTER 14

DAWN'S POV

Halos kaladkarin ko si Triton palabas ng classroom kung saan kasalukuyang nagkakagulo ang buong klase ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang mukhang maihaharap ko sa kanila sa ginawa ni Triton

"Dawn-"

"Shut up!"

Pinagpatuloy ko lang ang paghila sa kaniya at napatiim bagang na lamang ako ng maramdaman ko na kumilos siya hanggang sa siya na ngayon ang may hawak sa akin. Wala na akong nagawa ng hapitin niya ako palapit sa kaniya.

"Anong problema, Dawn?"

"Tinatanong mo ba talaga ako niyan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

He looked at me seriously. "Yes. I am asking you that. Anong masama sa ginawa ko?"

"You kissed me in front of my students! Ano sa tingin mo ang magiging tingin nila sa akin? Everyone knows that you're marrying someone and it's not me!"

"You're wrong, Dawn. Ano ang iniisip nila? They're thinking that I'm a lucky guy to be able to fall in love with someone like you. Someone as beautiful and pure like you.Your students are not stupid and by now they should probably caught on the fact na hindi totoo ang kung ano man ang sinabi sa balita tungkol sa amin ni Delta. At kung ako ang tatanungin mo, wala akong pakielam sa iisipin ng iba. Basta alam ko mahal kita."

"Ako merong pakielam! Goodness, Tri!" Sinubukan ko na kumawala sa pagkakahawak niya pero hindi niya ako binitawan at lalo lang humigpit ang pagkakapit niya sa akin. "Pakawalan mo ako, Triton."

"No. Not until you tell me that you love me."

"I don't."

"I don't believe you."

Pagak na tumawa ako. "Anong gusto mo magsinungaling ako? Hindi kita mahal, Triton. Hindi na ako ulit magpapakatanga sa iyo."

Lie. I'm already being stupid. I fell for him again without me even realizing it. Kung sana narealize ko kaagad...sana napigilan ko pa. Sana nakagawa pa ako ng paraan. Loving him hurts too much. Ayoko ng sumugal ulit para lang bitawan niya lang ako sa huli ng basta-basta. I don't want to see how someone I love stop fighting for me again.

"Wala namang bayad kung aaminin mo ang nararamdaman mo. Pero kung meron man at ayaw mo na gumastos, sige mayaman naman ako. Kahit sa iyo na lahat, sabihin mo lang na mahal mo rin ako."

Ikinuyom ko ang mga kamao ko. "I'm not in love with you."

"Convince me more. I might believe your lie, Dawniella."

Galit na nag-angat ako ng tingin. Isang malaking pagkakamali sapagkat nang magtama ang mga mata namin ay para bang nalunod ako sa mga emosyon na ipinapakita ng mga mata niya.

"I-I don't."

Marahang hinaplos niya ang pisngi ko kasunod ng pagsilay ng malungkot na ngiti sa kaniyang mga labi. "I can't stay away from you anymore. I should not have even try. Dahil kahit noon pa man alam ko na wala na akong ibang mamahalin."

"Tama na."

"I won't let go again. Hinding hindi na kita sasaktan, I promise you that, Dawn."

Marahas na hinila ko ang kamay ko at sa pagkakataon na ito ay hinayaan niya akong makakawala. "I believed that before. Sinabi mo sa akin noon na hindi mo ako sasaktan pero anong ginawa mo?" I bit down my lower lip to prevent the tears that want to fall. But I didn't succeed. Nag-uunahang kumawala ang mga iyon mula sa mga mata ko. "Hindi mo alam kung gaanong kasakit. Hindi mo alam kung gaano kahirap na gumising bawat araw na alam kong makikita kita kahit iyon ang huling bagay na gusto kong mangyari. You don't know how much I want to run away from you. You don't know how hard it was to pretend each day. You don't know how many times you killed me. You don't know anything."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon