CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~

171K 3.1K 107
                                    

CHAPTER 2

DAWN'S POV

"Ah, this one is my dream girl. Look at that glorious body. And even that hair screams off 'I'm the one'."

Hindi ko pinansin ang boses ng pasaway na asungot na walang iba kundi si Triton. Nakatutok lang ang atensyon ko sa hawak ko na tablet device kung saan nandoon ang softcopy ng listahan na ipinadala rin sa email address ko ng mga magulang ko.

"Ugh! Nevermind. Dati siyang naging suspect sa pagpatay sa sixty years old niyang naging asawa. Why would my parents even put her in this compilation?"

"Maybe to check if you're stupid enough." I mumbled. But I'm sure he heard clearly.

"Ang sungit mo naman! For sure hindi din naman perpekto iyang mga nasa listahan mo."

Hindi ako sumagot dahil tama naman siya. Sa apat na profile na nabasa ko ay wala ni isa na matino akong nakita. May isa na former ex-convict at nakakawala lamang dahil sa mayaman nitong pamilya. The other two, I simply don't like them because I already met them. Naging boyfriend sila ng dalawa ko na katrabaho sa university na pinagtatrabahuhan ko.

At ito ngang pang-apat na binabasa ko. Colton Jacobs. Definitely not worth my time. My dad's crazy for putting him in the list. I will never date someone I already dated before. Lalo na kung kabebreak lang namin.

"Guys, can I have your undivided attention please?"

Boses iyon ni Freezale. "What is it?" I asked.

"Incase hindi niyo naaalala, nasa gitna tayo ng mission. Kaya kung pwede saka niyo na muna asikasuhin ang paghahanap ninyo ng asawa."

Napabuntong-hininga ako at ibinalik ko na ang tablet device sa loob ng itim ko na backpack habang pilit na pinagkonsentra ko ang sarili ko. Right. Mission. A mission where I was asked to be where I am no. Dangling just outside of a building.

Hindi ko nakikita si Triton pero alam ko kung saan ang location niya. Kailangan ko lang manatiling nakasabit rito. I'm at the 17th floor.

Pumasok kami ni Triton sa loob ng building kanina pang hapon. Umakyat kami sa rooftop at nagtago muna roon habang pinag-aaralan namin ang kinakailangan naming gawin. Nang dumilim na ay naghiwalay na kami. I'm located at the left side while he's on the right.

Pagkakaiba lang ay nasa 18th floor siya na siyang huling palapag ng gusali. Katulad ko ay nakasabit din siya sa labas ng building.

May nagaganap na pagtitipon sa parehong palapag na kinaroroonan namin. Hapon pa lang ay nagsidatingan na ang mga bisita. Karamihan sa mga iyon ay kilala sa larangan ng politiko.

Ang mga politiko bang ito ang ipinunta namin? May gagawin ba silang ilegal na transaksyon? O may krimen silang gagawin sa iba pang mga panauhin sa gabing ito? None of the above.

Ang mission na ito ay personal sa BHO CAMP. We're not even doing this for the money. Walang nakakaalam sa magaganap ngayong gabi maliban sa BHO CAMP. Those politicians and well known person have no idea that they will get slaughtered tonight by Claw Organization.

Kailan lang namin nalaman ang tungkol sa balakin ng Claw para sa gabing ito. Dahil nga sa mga kilala at mayayamang tao ang dumalo ay maraming mga guwardiya ang kinuha ang serbisyo para sa pagtitipon na ito. And those guards are members of Claw.

Katulad ng inaasahan, hindi lang sa ilegal na armas, gamot at pati na sa human trafficking maasahan ang Claw. Pati na sa mga trabahong ganito. An ambush.

We are here to counter-attack.

"Did they took the bait?" I asked Freezale.

"Yes."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon