EPILOGUE

164K 3.5K 574
                                    

EPILOGUE

DAWN'S POV

Pigil ang ngiti na nilingon ko ang kabilang office. Nandito ako ngayon sa office ko at kasalukuyang nagtatrabaho pero naagaw ang atensyon ko sa ginagawa ni Triton sa office niya. Kasalukuyan kasi siyang nakasimangot habang nililinis iyon ng mag-isa.

Hindi iilang beses na tinapunan niya ako ng tingin sa glass wall na para bang humihingi ng saklolo. Pero wala akong balak na tulungan siya.

Una, marami din akong trabaho. Pangalawa, siya ang may kasalanan dahil wala siyang ginawa kundi ipunin ang kalat sa office niya. Though malaki ang pinagbago niya dahil maayos na siyang nagtatrabaho ngayon ay hindi pa rin nawala sa kaniya ang pagiging makalat sa office. Pangatlo, hindi niya makukuha ang surprise ko sa kaniya kapag hindi niya tinapos ang paglilinis ng mag-isa.

Kailangan niyang matuto na ayusin ang office niya dahil hinding hindi ako makakapayag na maging makalat siya lalo na sa flat namin. Lumaki ako na gusto kong laging maayos ang nasa paligid ako at wala akong balak na ako lang ang kumilos sa aming dalawa. Kasal kami kaya mula ng magpalitan kami ng mga vow ay naging tanda na iyon na magkatulong kami sa lahat ng bagay.

I looked at the pile at my desk. Mas marami pa iyon kanina. Kailangan ko lang naman na basahin ang mga iyon at aprubahan ang mga dapat aprubahan, i-una ang mga kailangan na kaagad tapusin na mission at ihuli ang hindi pa naman nasa red alert.

"Sweetheart."

Tumingin ako sa glass wall ng magsalita si Triton mula sa intercom. "What?" I asked with no emotions. Kahit na ang gusto ko ay humagalpak ng tawa. Meron pa kasi siyang suot na gwantes, apron at bandana.

"Hindi ba talaga pwedeng advance ang surprise?"

"Hindi. Go back to work. Chop chop!"

Biglang may nag-iba sa mga mata niya. Namula ang mukha ko dahil pamilyar sa akin ang tingin na iyon. I always used the words 'chop chop' when...you know. Kaya paniguradong iba ang naiisip niya.

Alam ko na kulay kamatis na ang mukha ko ngayon lalo na at tila nang-aasar na bumabalik sa utak ko ang mga kababalaghan na pinagagawa naming dalawa. What can I say? Mukhang pinakasalan ko ata ang isang lalaki na gustong daigin si Superman.

"Work." utos ko ulit.

"Ma'am, Yes, Ma'am!"

Nangingiting ibinalik ko na sa trabaho sa harapan ko ang atensyon ko. Pilit na pinigilan ko ang sarili ko na mapatingin sa gawi ng office ni Triton dahil natutuwa talaga ako sa itsura niya. Nitong mga nakaraan ay sala sa init at sala sa lamig ang stado ng emosyon ko pagdating sa asawa ko. May mga pagkakataon na aliw na aliw ako sa kaniya at mayroon naman na parang gusto na siyang itapon sa bulkang taal.

Not that it's far from the usual Dawn and Triton before we got married. Mas malala lang ngayon dahil magkasama na kami sa iisang bahay at talaga namang kahit siya ay nalilito sa bilis ng mood swing ko. Pasalamat na lang din talaga ako na mahal ako ng mokong dahil imbis na layasan ako ay nilalambing na lang ako.

Kung meron man sa amin na mainit ang ulo ay sinisigurado namin na hindi kami magkakasabay. Kung nagkataon naman na magpang-abot ang init ng ulo namin ay isa sa amin ang umaatras na lang. Usually him when I get emotional. Hindi niya kasi kayang nakikita na malapit na akong umiyak.

It's been two months since our wedding, pero pakiramdam ko sa araw-araw ay para bang panibago lagi ang sinisimulan namin. Marami kaming natututunan at natutuklasan sa isa't-isa na kahit noong mga panahon na nagtanan kami ay hindi ko pa nalaman.

Katulad kapag madaling araw ay bigla na lang gumigising si Triton at parang daga na naghahalughog sa kusina, o kapag umaga ay bigla na lang siyang nakakatulog sa walang tubig na bathtub, na super kalat niya sa bahay.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon