CHAPTER 23 ~ Perfect ~

126K 2.8K 143
                                    

CHAPTER 23

DAWN'S POV

"You're still annoyed."

Walang emosyon na tinignan ko lang si Sky na napapailing na ibinaba sa harapan namin ni Triton ang pagkain na inorder namin at pagkatapos niyon ay walang salitang umalis na siya. Mag ta-tatlong araw na kasi mula ng makabalik kami rito. Mag tatatlong araw na rin na hindi ko sila pinapansin.

Tahimik na kinuha ko ang kutsara't tinidor habang pilit na iniignora ang mabigat na tingin sa akin ni Triton. Ilang beses na niya kasi akong kinausap tungkol sa mga pamilya at katrabaho namin. Pero hindi naman ako katulad niya. Kung siya ay natanggap na niya ang ginawa nila sa amin pwes ako hindi.

I just don't understand why they go through all the trouble of doing all that. Sa tingin ba nila ay hindi ko kaya ang sarili ko? I handled them all with ease. Kahit sakit ng ulo ang hatid nila hindi ako kinakitaan man lang ng pagsuko. But when it comes to me? They didn't even trust me one bit.

"They do trust you."

Nakataas ang kilay na nilingon ko si Triton. "Mind reader ka na talaga?"

Sumilay ang ngiti sa labi ni Triton. "No, but I know you." he looked at the agents pointedly then to me. "At kilala rin nila tayo."

"Bakit ba hindi ka nagagalit sa kanila? Pareho nila tayong pinahirapan, Tri."

"Because they want the best for us. Especially our parents."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Hindi rason iyon para gawin nila ang ginawa nila."

Akmang tatayo na ako para umalis sana ngunit napigilan ako ni Triton sa braso. Hinawakan niya ang baba ko at pilit na pinatingin ako sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang ako at sinalubong ang mga mata niyang nakangiti pa rin.

"Tri, let me go."

"I'll let you go."

Pakiramdam ko ay may bumundol na kaba sa dibdib ko sa sinabi niya. Sa paraan niya nang pagkakasabi niyon ay alam ko na iba ang tinutukoy niya sa mga salitang iyon. "W-What?"

"If something hit us and they didn't did that, I won't be able to hold on. At alam ko na ganon ka rin. It may be because of a petty argument, jealousy o kahit na ano pang maisip mo na problema. Dadating ang panahon na may susubok sa atin at magagawa na naman nating pakawalan ang isa't-isa."

"You're not making any sense. Of course I won't let go of you. Marunong akong madala Triton."

"Pipiliin mo ba ako o ang kapakanan ng lahat ng mga agents? Nang pamilya mo?"

Napaatda ako sa sinabi niya. Sinubukan kong makakawala sa pagkakahawak niya sa akin pero nanatiling hawak niya ako at hindi hinihiwalay ang tingin sa akin.

This is ridiculous. Masyado ng magulo ang utak ko ngayon at hindi ko gusto na pati kami ni Triton ay mag-away dahil dito. My family is still my family. I'll come around but for now I will stay annoyed at them.

"Let go."

"Sagutin mo muna ako, Dawn."

"Wala akong maintindihan sa sinasabi mo. Maybe you're tired or something. Just rest for now, Tri. Wala ako sa mood na makipagtalo sa iyo."

"The media won't let go that easily. Hahalukayin nila lahat ng kaya nilang halungkatin. Matagal ng natago ang mga impormasyon sa akin. I was careful because of the industry I'm working. But we're different, Dawn. Nakatago man lahat ng tungkol sa iyo pero hindi ibig sabihin non ay maitatago mo lahat. O natin pareho. It will put the other agents at risk. At kapag nangyari iyon ay pakakawalan mo ako...o pakakawalan kita."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon