Chapter 10

7.4K 209 1
                                    

DRAKE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DRAKE

I drove as fast as I can pero si Ardyne nalang ang naabutan ko sa lokasyon na itinext ni Sen sa akin kanina. She was sitting on the ground crying. Sa sobrang tulala ay hindi niya napansin na halos sampung minuto na akong nakatayo sa likuran niya.

"Are you hurt?" simula ko sa wakas. Kani-kanina lang ay nagtext si Chris sa akin na nasa loft sila at puro pasa ang mukha at katawan ni Yeoji kaso'y ayaw niyang magpadala sa ospital. I can't blame him. The nearest hospital from here is their's. That would be trouble for him—or for all of us to say the least.

"Huh?" dahan-dahan akong nilingon ni Ardyne. Pinunasan niya agad ang luha niya. Habang patayo siya at kamuntikan siyang matumba kaya inalalayan ko siya.

"Huwag mo akong hawakan!" sigaw nito saka lumayo sa akin. I let go but I don't plan on leaving. I need to know why the fuck Yeoji was cornered that easily.

"You and Lawrence friends?" diretsong tanong ko. Nagsimula siyang maglakad ng paika-ika habang itinatali ang mahabang buhok niya. Sumunod ako at sumabay sakanya.

"Kung gusto mong malaman ang nangyari, tanungin mo nalang sa mga kaibigan mo," iritadong sabi niya. Huminto kaming pareho sa paglalakad.

"Anong ginawa ni Yeoji?" tanong ko nanaman. Unconsciously, she touched her touched her throat. Bakit parang takot na takot siya kapag binabanggit ko ang pangalan ni Yeoj? Crap, what the hell really happened?

"Alright, sila na ang tatanungin ko. But before that..." I grabbed her by the wrist and led her to my car, parked almost in front of us.

"Anong gagawin mo?" tanong niya at mukhang handa na siyang mangarate. I guess she knows how. She punched Nicky in the face before and it even looked like it didn't hurt her fist at all.

"First aid. Hindi mo yata napansin na may sugat 'yang tuhod mo. Isa pa, ang dumi ng pisngi mo." Pumasok ako sa loob ng sasakyan para kunin ang first aid kit box ko. Pagbalik ko nga lang sa labas ay wala na siya.

"Tsk, she really left," sabi ko sa kawalan. Minutes later, I left too. Pupunta sana ako sa loft kaso lang ay siguradong mainit parin ang ulo ni Yeoji para makausap nang matino. It's not that we're really looking for brawls but Lawrence is someone we can't just cross. If we did, then my secret isn't safe anymore.

***

YEOJI DALE

"Wala ka ba talagang balak pumunta sa ospital?" tanong ni Sen habang inaabot sa akin ang ilang ice packs. Fuck, ang sakit ng katawan ko! Pumipintig ang bawat parte ng kalamnan ko at namamaos narin ako dahil sa kakasigaw kanina.

"Pahingi narin ng beer," sabi ko. Alam naman nila na kapag pumunta ako sa ospital, makakarating agad sa mga magulang ko ang nangyari.

"Napuruhan ka," seryosong sabi ni Chris. Mula sa kusina ay lumabas si Dylan at may hawak siyang six pack na beer. Lumapit at umupo kaming lahat sa sofa. Mukhang alam ko na ang nasa isip nilang lahat.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon