Chapter 3

12.1K 293 34
                                    

DRAKE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DRAKE

"Hey," bati ko kay Nicky nang malapitan ko siya. She asked me to meet her in front of their school. Hahalikan ko sana siya pero umiwas siya.

"I don't want to be taken for granted, Drake. B-break na tayo!" madramang sabi ni Nicky. I just met her the other night at Spade, the bar, and we kind of clicked. Clicked, as in, she's a good kisser.

"Hmm, yeah, ok. Sure!" Ngumiti ako. Nanlaki ang mga mata niya sa isinagot ko.

"Wait, are you serious? Okay lang?" hindi makapaniwalang sabi niya. Kung alam ko lang na drama ang daratnan ko, sana ay dumiretso nalang ako sa Delkin.

"Yeah. Very serious. I'm out. It was nice to kiss and meet you...in that order." Pinaandar ko ang motor ko.

"Wait! No, nagbibiro lang ako, Drake! I'm sorry! Kalimutan mo nalang 'yung sinabi ko! I was just...worried dahil parang hindi ka seryoso sa akin!" mangiyak-iyak na sabi niya. Lumapit siya at kumapit sa braso ko.

"I'm not a huge fan of fickle minded people." Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin. Did this girl really think that I'll commit myself to her? Kung talaga ngang 'fan' siya ng Anarchs, alam dapat niya na mabilis akong magpalit ng 'girlfriend'.

"Oh my God, Drake! Please, I'm different from other girls. Ikaw lang ang gusto ko! I'm not like them!" ngawa pa niya. I sighed.

"Paano ka naiba sakanila? After few minutes of chatting, you were already willing to give your body," seryosong sabi ko. Namula agad ang mga pisngi niya at hindi na niya nagawang makasagot.

There you go, problem solved. Pinaandar ko ang motor ko. Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang sumigaw siya. "Hindi ko hahayaang hanggang dito nalang ang lahat!"

I just gave her a quick wave then drove off.

Dumiretso ako sa loft na tinatambayan ng buong Anarchs. Hindi ito kalayuan sa motocross field na pinaggalingan namin kanina. Warehouse ito na pagmamay-ari ng pamilya nina Yeoji. Nagtulong-tulong kaming lahat para ipaayos ito. The ground floor is generally our indoor parking area. Ang pangalawang palapag naman ay parang isang fully furnished na apartment complimented with a bar, billiard table and dart boards. Boys will be boys.

Nagtaka ako agad dahil nakasara ang loft. Pumasok ba sila? Hindi ko kasi narinig ang sinabi ni Sen kanina. Tinawagan ko agad si Yeoji at medyo natagalan bago siya sumagot.

"Nasaan kayo?" tanong ko agad sakanya.

'Pres, nandito kami sa Delkin. Nandito ang Dad mo at pinapatawag tayong lahat sa principal's office. Sumunod ka agad.' Ibinaba agad ni Yeoj ang tawag. Hindi narin ako nag-aksaya ng oras. Pinaandar ko ang motor ko at dumiretso sa Delkin High.

Dad's here so Mom must be too.

Nang makarating ako sa Delkin ay naabutan ko silang apat na nakahilera sa labas ng office. Dad's the chairman of this school's board. Kung ipinatawag kami, ibig sabihin ay nakarating agad kay Dad ang nangyari kanina sa field.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon