Chapter 7

7.8K 224 30
                                    

YEOJI DALE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YEOJI DALE

Sa 'di malamang dahilan ay nagdesisyon ako na ipagilid ang sasakyan ko, bumababa at naglakad hanggang sa tapat ng bahay na binabahang bahay ni amasona.

"What in the hell..." mahinang sambit ko. Napa-iling ako nang marealize ko ang dahilan kung bakit ako bumalik dito para lang alamin kung talaga ngang ok siya. Hindi ko maikaila na nakikita ko sakanya ang isang taong mahalaga sa akin.

Nang wala akong makita sa may gate ay nagsimula na akong maglakad. Nagsindi narin ako ng yosi dahil maginaw. Napahinto nga lang ako nang may marinig ako na parang umiiyak—tao ba 'yun o aso?

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero huminto rin ako nang mas lumkas ang pag-iyak. Fuck, don't tell me a...ghost? Nagsitayuhan ang mga balahibo ko.

"Damn it, I'm a fucking dude," paalala ko sa sarili ko. Napalalim tuloy ng husto ang paghithit ko sa yosi ko.

"Ma...ma...." daing naman ngayon ng boses. Nabitawan ko ang yosi ko.

Tatakbo na sana talaga ako kaso lang agad kong nabosesan ang iyak na 'yun. Sinilip ko ang kabuoan ng bahay na hinintuhan ni amasona. Walang ilaw at imposible namang galing sa loob ang iyak na 'yun. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa bandang likuran ng bahay.

Nakita ko agad ang isang bulto na nababalot ng sweatshirt. Nanginginig siya at daing nang daing ng 'Mama'. Poor thing. Para siyang isang tuta na naghihintay ng mag-uuwi sakanya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Oy," bulong ko kay amsona. Tinanggal ko ang nakatakip sa mukha niya. Mukhang dumudugo nanaman ang ilong niya. Niyugyog ko ang mga balikat niya.

"Oy, gising," madiin na sabi ko. Napalakas kaunti ang boses ko. May aso tuloy na tumatahol sa kabila ng gate.

"Ha? Ano? Tuturu?" wala sa isip na sabi niya nang magising siya at maupo.

"Oy?" Kumaway ako sa harapan niya. Kumunot agad ang noo niya nang makita niya ako.

"Bakit hindi ka pa umalis?" naiinis na sabi niya.

"Ang baho ng hininga mo at dumudugo nanaman 'yang ilong mo," sagot ko. Tumayo ako at lumayo kaunti sakanya. Lumakas ang pagtahol ng aso. Isang kuwarto mula sa katapat naming bahay ang umilaw.

"Shit, nagising sila," nagpapanic na sabi ni amasona habang tumatayo. Isa-isa niyang inipon at inilagay sa bag ang mga gamit niya.

Casual lang akong naglalakad hanggang sa hatakin niya ako palayo sa bahay na 'yun bago pa tuluyang may lumabas para tingnan ang paligid.

"Bakit...ka...nan..dito?" hinihingal na tanong niya. Hinila ko ang bag niya. Diretso akong naglakad hanggang sa tapat ng sasakyan ko. Binuksan ko ang backseat at ihinagis doon ang bag.

"Hoy!" sigaw niya pero agad din niyang tinakpan ang bibig niya.

"Anong ginagawa mo?" timping tanong niya nang makalapit na siya ng husto.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon