Chapter 9

7.8K 193 6
                                    

YEOJI DALE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YEOJI DALE

"Nakakatakot ka," baling ni Dylan sa akin.

"Huh?" nagtatakang tanong ko. Ibinalik ko sa display ang hawak kong cloud headset. Kasama ko nina Sen, Chris at Dylan ngayon sa mall. Naghahanap kasi kami ng mga bagong gaming laptop. Hindi na sumama si Drake dahil umuwi siya sa kanila.

"Tingnan mo ang sarili mo sa salamin, man. Kanina ka pa nakangisi. Daig mo pa si Joker," sabat ni Chris.

"Ako?" Kumunot ang noo ko pero tama nga sila—nang makita ko ang repleksyon ko sa isang glass display cabinet ay nakangisi parin ako. Damn, hindi ko napansin. Sinubukan kong i-blanko ang ekspresyon ko pero talagang nakangiti parin ako. What the heck?

"Naka-drugs ka ba?" bulong ni Sen.

"Fuck you!" asik ko agad.

"Nagmumura pero nakangisi parin. Naka-drugs nga," segunda naman ni Dylan.

"May exciting lang na nangyari sa buhay ko," nasabi ko bigla. Sabay-sabay nila akong tiningnan. Dapat ay hindi ko 'yun sinabi—mukhang may ideya na kasi sila.

"Pahiram nalang ng phone, Sen. Hindi ko pa nakukuha kapalit ng nasira kong phone," iba ko ng usapan.

"Sure. To text your girl?" mapang-asar na sabi niya habang inaabot ang phone niya.

"Girl my ass." Kinuha ko ang phone at lumabas. Habang nagte-text ako ay pasimple kong nililingon dahil baka biglang makita nila ang ginagawa kong message. Hindi naman dapat talaga ito komplikado e. It's just supposed to be me helping someone—isang amasonang tuta. Hindi ko lang talaga maiwasang maging maingat dahil kay Drake. He's got his eyes on her, I know it. Pero magkaiba kami ng layunin ni Drake.

Tumaas agad ang isang kilay ko nang mabasa ko ang reply ni Ardyne.

'K.'

At least nag-reply siya. At least alam ko na buhay pa siya.

Binalikan ko sina Sen para lang maisauli ko ang phone niya. Pagkatapos nun ay nagmamadali akong umalis para puntahan si amasona.

Kaya siguro ang ganda ng mood ko ngayon ay dahil nakakagaan talaga sa loob ang tumulong sa kapwa. Yeah, that's just a fucking lie. Magaan ang loob ko dahil for once, I followed through. To the end, gusto kong makita hanggang sa maging ok siya—hanggang sa mawala ang mga pasa niya, makuha niya ang mga gamit niya or anything that I can help her with.

Hindi ko talaga maikakaila na nakita ko sakanya ang sitwasyon namin ni Ma dati. We had nothing and Tito Ferd changed that. Nakukuha ko ang bawat luho ko ngayon dahil sakanya. Napa-iling ako. Sa dinami-rami ng pagkakataon, ngayon ko lang inisip ng husto ang mga nangyari dati—just because of this strange girl, Ardyne.

***

Agad na nasira ang mood ko nang makita kong magkasunod na naglalakad si Ardyne at Lawrence. Pasimple ko silang sinundan at kada usapan nila ay naririnig ko pa. What the hell is this? Paano sila nagkakilala? Nilalapitan ba ni Lawrence si Ardyne dahil sa nangyari sa amin kagabi nina Parker?

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon