Chapter 8

5.6K 161 4
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

Alas sais na ng umaga pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Wala parin akong maisip na plano. Kulang ang ipon kong pera para tuluyang umalis sa bahay na 'yon. Isa pa, gusto kong matapos ang pag-aaral ko ng husto para naman makakuha ako ng disenteng trabaho in the future. Magpapayaman ako at magpapakalayo sa pamilya nina Nicky.

Kakausapin ko nalang muna si Tito Samuel. Baka naman pumayag siya na sa isang apartment nalang ako tumira.

Sa ngayon, kailangan ko lang munang unahin ang pagbayad sa utang ko kay Yeoji. Dumagdag pa siya actually sa dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Wala talaga sa mukha niya na babalikan niya ang isang taong hindi niya kilala dahil naaawa siya.

"Oy, amasona. Gising ka na ba?" malakas na katok ni Yeoji sa labas. Agad akong napatayo at tumakbo hanggang sa pinto.

"Bakit?" tanong ko.

"Buksan mo," utos niya. Kumatok siya ng malakas at napamura pa. Doon ko na binuksan ang pinto ko. Para siyang isang landlord na maniningil ng renta-it's exactly like that!

"Ang sabi mo ay pinalayas ka. Papasok ka parin sa closing ceremony kahit na wala kang uniform?" tanong niya habang pumapasok sa loob ng unit. Nakakalat pamandin sa buong center table ang mga lalagyan ng chips na naubos ko.

"Oo, so?" baling ko sakanya. Doon ko lang napansin na may dala siyang isang plastic bag. Inilapag niya ang dala niya sa sofa.

"Ano 'yan?" tanong ko. Lumapit ako nang senyasan niya ako. Ginagawa niya akong aso pero pinalagpas ko nalang muna. Sa oras na mabayaran ko siya, gagawin ko ang lahat para ni anino niya ay hindi ko makita!

"Damit. Iyan ba ang balak mong isuot palabas?" iritadong sabi niya. What? Bakit naman pati 'yun ay inaalala niya?!

"What made you think na wala akong ibang dalang damit? Kinalkal mo ba ang laman ng bag ko kanina?!" akusa ko.

"Kung hindi mo kailangan, sige." Binuhat niya ang plastic at akmang lalabas na pero hinarang ko siya.

"Fine. Puwede ko bang tingan kung ano ang nandiyan sa loob niyan?" mahinang sabi ko. Puro lumang damit talaga ang laman ng bag na inimpake nila para sa akin. Hindi lang 'yun, wala pang kasamang underwears!

"Sure." Inilabas niya ang plastic bag sa sahig. Yumuko ako para kalkalin 'yun. Nagulat ako nang may makita akong set ng Santa Caterina doon kasama ng isang sealed pack ng Medium underwears at may...bra pa. Shit, nakakahiya na 'to!

"B-bakit meron ka nito?" tumayo ako at lumayo kaunti sakanya.

"I'm a nice host, that's why. Take it or leave it. Ang dami mo pang sinasabi," sagot niya. Naglakad siya palapit sa akin. Napaurong ako. Pakiramdam ko ay isa akong baboy ngayon na pinapataba ng husto para mas malaman sa oras na kakatayin na!

Napasandal ako sa pader. Lumapit pa siya lalo at...binatukan ako.

"Ouch! What was that for?!" bulyaw ko.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon