Chapter 36

4.9K 131 8
                                    

YEOJI DALE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YEOJI DALE

Habang nagyoyosi ako ay lumabas silang lahat maliban kina Chloe at Lawrence. Habang nag-aabutan sila ng lighter ay nag-vibrate ang phone ko. It's Ardyne.

"Answer it," baling ni Kendal sa akin—nakasilip pala siya sa phone ko.

"Sasabihin ko ba sakanya?" tanong ko tuloy sakanilang lahat.

"Kung hindi pa niya alam," sagot agad ni Dylan—na ngayo'y nakaupo na sa semento habang nakatutok sa laptop niya.

Nagdesisyon akong 'di nalang muna sagutin ang tawag ni Ardyne. I don't even know what to say to her. She might end up blaming herself too.

"Anong ginagawa ninyo?" tanong ko kay Dylan.

"Shutting down fansites and tracking for posts related to Drake," sagot ni Chris. Maya-maya, kausap na ni Sen ang Dad niya. Ipinapaalam na nito ang nangyari at na sa lalong madaling panahon ay dapat na mahanap na si Nathan.

"Tinawagan ko na ang Dad ni Drake. Galit na galit siya. Ayaw niya raw makita ang ni isa sa atin dito pagdating niya. We still have time. Manggagaling pa siya sa Japan," baling naman ni Kendal sa akin.

"Let's not draw any conclusions. The only one to blame here is Nathan and Drake," sabi bigla ni Dylan. Uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Drake's fault too?

"Drake's our fucking friend!" sigaw ko agad. Parang patay-malisya lang si Dylan at nagpatuloy sa kung ano man ang ginagawa niya sa kanyang computer.

"Yeoj, hindi makakatulong ang init ng ulo sa oras na ito. Do you want to retaliate? Hit Nathan in the damn head too?" sabi naman ni Sen sa akin.

"What the fuck? Bakit parang galit kayong lahat sa akin?!" I can't fucking believe this.

"Ikaw lang naman ang sumisigaw," singit naman ni Chris.

Hinarang ako ni Kendal dahil konti nalang talaga ay sisipain ko na si Chris. "Dapat magtulungan tayo dito. Be level headed, Yeoj. Ikaw ang best inside info namin sa mga nangyayari sa loob ng operating room. Let us deal with the other things," pangaral tuloy ni Kendal sa akin.

"I know that..." Ako nga pala ang VP ng club. I should be helping out, not whine.

"Gusto mo bang sisihin ka namin? Don't push us to do that, man," tinapik ako ni Sen sa balikat. Magpapaliwanag na sana ako nang makita naming parating sina Jake, Parker, Nathan at Lawrence. Suot parin pala naming lahat ang mga leather jackets namin—dark red nga lang ang kanila at black naman ang sa amin.

"Any news?" baling ko agad sakanila.

"Kami mismo ni Parker ang nagdala sa mga pulis sa bahay nina Nathan para damputin siya. His Dad is so pissed and threatened us. Puwede nila itong malusutan, they have the power and money. Find all the evidence you need before they get...lost..." sagot agad ni Jake.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon