Chapter 41

3.7K 107 16
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

Halos dalawang oras lang ang biyahe mula sa town hanggang sa beach resort (ayon  sa GPS ng phone ko) pero ang sabi ni Yeoj ay puwede naming makuha ng one hour.

"Do you know what couples do at holiday getaways like this?" mapang-asar nanaman na tanong niya sa akin. Kanina pa kasi niya pinipilit na ipaliwanag ko kung bakit biglang gusto kong mag-beach at four in the morning.

"Meditate?" pang-asar na tanong ko.

"It's your fault if I don't hold back..." He kept on whistling.

"Ituon mo nalang ang atensyon mo sa pagmamaneho. Ang dumi ng isip mo!"

"Masisisi mo ba ako? Tsk, tapos ang ganda mo pa ngayon!"

"And you wonder why I called you pervert the first time we met?" balik ko.

"And I called you amasona when I first met you. Seems like nothing changed!" Tawa parin siya nang tawa. Nag-aasaran lang kami nang nag-aasaran habang nasa biyahe.

Okay na sana e, kaso lang, nasiraan kami ng sasakyan.

"Hindi ko 'to kayang ayusin. Kulang ang gamit ko. Mukhang may mga malapit na beach resort dito. Gusto mo bang mag-commute nalang?" tanong niya. Medyo madungis na ang damit niya dahil sa kakakalikot sa makina ng sasakyan.

Okay, what do I do? How am I supposed to call the others without him knowing?

Tinignan ko ang location ng beach resort sa Google maps. Around thrity minutes pa ito at for sure, may mga madadaanan nga kaming ibang resorts.

"Tatawag lang ako ng service center," gumilid si Yeoji at nag-yosi narin.

Pasimple kong itinext si Kendal.

To Kendal: Crisis alert. Nasiraan sasakyan, malayo pa kami!

From Kendal: No worries. Basta importante, dito kayo pumunta. No detours. ;)

To Kendal: Ang dumi ng isip mo!

"Do you want to have an adventure?" baling niya sa akin nang matapos ang kanyang tawag. Nakatingin parin siya sa kanyang phone at parang may binabasa.

"May darating ba para ayusin ang sasakyan?"

"Meron, pero baka nine pa ng umaga. It's still dark. Gusto mo bang hintayin natin?"

"Okay, sure."

"Huh? It's fucking hot in here..." Pinunasan niya ang kanyang pawis.

"Fine. What's on your mind?"

"Just come on. Balikan nalang natin ang sasakyan mamaya." Hinila niya ako palayo sa sasakyan niya. In no time, nakasakay na kami sa bus. Ang sinabi niya lang ay ibaba kami sa isang resort.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon