Chapter 23

6.4K 166 16
                                    

ARDYNE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE

Earlier, nang isampa ako ni Kendal sa likuran niya, bumulong siya ng "Pretend you're asleep". So, that's what I did. Gusto kong magpagulong-gulong mula dito sa tuktok ng burol hanggang sa baba. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit bumalik ako sa loob ng walang plano.

"I told him we're at the hospital." Lumapit at umupo si Kendal sa tabi ko. Ginamit namin ang kotse ni Yeoji paalis mula sa gym. Noong una ay pinipilit pa niya akong pumunta sa ospital pero sa tingin ko naman ay wala lang ito bukod sa konting kirot. I told him to take me somewhere peaceful and now, we're at the top of a hill with an amazing city view.

"Okay," sambit ko lang.

"That was brave of you."

"Ugh, huwag mo nang ipaalala," isinubsob ko ang mukha ko sa aking palad.

"No, really. Sinalo mo ang suntok na para kay Yeoji. So heroic," natatawang sabi niya. Agad ko siyang sinuntok sa balikat.

"Anong sinalo?! I was just in the way. Bakit ko naman ihaharang ang sarili ko sa crossfire?!" Tumayo ako at nagpabalik-balik ng lakad. Ang totoo niyan, 'di ko rin sigurado kung kusa ko nga bang ipinagitna ang sarili ko sa suntok at kay Yeoji.

"Because you like Yeoji. Huli na ang lahat para itanggi mo pa. Don't underestimate the power of my eyes," nakangising sabi niya. Bumalik ako sa pag-upo.

"I don't," halos pabulong na sabi ko. I tucked my head between my knees. Anong klaseng komplikasyon ba itong napasok ko. Wait, maybe Kendal can help me? He said he was 'done again' earlier.

"Ever wonder why it had to be you? The new girl member?" sabi niya bago ko pa mailatag ang 'help me speech' ko.

"Tinanong ko na sina Drake at Yeoji. Their answers were gibberish to me. Kahit ikaw, tama? May mga binanggit ka na hindi ko maintindihan."

"Ah. How about a deal? I tell you the truth answer all your questions and in return, pack up and never show up again?" baling niya sa akin. Bahagya akong napanganga dahil sobrang seryoso talaga ng itsura at boses niya.

Isa pa, ngayo't ibang tao ang nagsabi ng mga nasa isip ko, gaya ng pagtakbo ulit, parang hindi ko na sigurado na iyon nga talaga ang gusto kong mangyari.

"Is the silence a yes? Gusto mo namang lumayo as soon as possible kaya ka sumama sa akin ngayon 'di ba? Or is it that you really like Yeoji? Drake? Lawrence?" aniya at parang may bahid ng banta sa tinig niya.

Is this even Kendal?

Tumayo ako at medyo lumayo mula sakanya. What if he goes psycho on me?!

"I don't get it. One moment you think I'm the best for everyone and now you want me out of your lives?"

"Same with you. One moment you want out of here fast then now, you're finding reasons to stay," balik niya. Tumaas kaunti ang tono niya pero sa bandang huli napabuntong-hininga siya at umiling-iling.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon