Chapter 12: The Romantic Side of Her

651 17 8
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

JAYVEEN

HINDI ko na mabilang kung ilang beses ko nang tinignan ang relo. Naka-order na ako't lahat-lahat ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Toni.

Magsasampung minuto na nang huli niyang sinabi na malapit na siya. Gaano ba kalayo ang lapit na 'yan at hindi pa rin siya dumarating hanggang ngayon? Lagot na naman talaga iyon sa'kin pagdating!

Araw-araw ay nagkikita kami ni Toni at hindi lumipas ang isang buwan at ilang linggo na hindi kami nag-aaway. Nasanay na rin ako.

Kapag Martes at Huwebes ay magkasabay kasi kaming nag-aalmusal, nagtatanghalian at pati na rin naghahapunan. Kapag Lunes, Miyerkules at Biyernes naman ay sa gabi na kami nagkikita para sa hapunan dahil may pagsasanay siya sa umaga sa badminton at diretso na ang iskedyul ko mula klase papuntang duty.

Kapag nagpupulong naman silang magbabarkada ay sinasama niya ako kaya nasasanay na rin ako sa iba't-ibang personalidad ng bawat isa sa kanila, lalong-lalo na kay Galaxy.

Hay, naku! Hindi ko na nga lang iisipin dahil naiisip ko rin si Alex at ang pagiging malapit nila sa mga babae.

AJ was right! Silang tatlo lang talaga nina Toni at Heart ang mapagkakatiwalaan pagdating sa babae. Although Galaxy is very vocal about her one night stands, she made it clear and was honest enough that she's not into relationships. Tinitikman niya ang kung sinuman ang matipuan niya sa mga nagpapatikim.

Alex, on the other hand, is playing safe. Hindi man niya tinitikman ang lahat ng putahe na nakahanda sa harap niya ay sinisinghot naman niya. According to her, matutunan mo lang naman daw mahalin ang isang tao sa ilang araw na magkasama kayo. And if it didn't click for maximum three meet-ups, goodbye agad. Ang gusto ko lang kay Alex ay tinupad niya ang pangakong hindi isasali si Therese sa listahan ng mga babae na susubukan niyang mahalin. Mabuti na rin iyon dahil ilang beses na nga silang magkasama ay hindi pa rin siya nanliligaw dito, paano na kaya ang tatlong beses lang?

May time limit ba talaga ang pag-ibig? Hay! Wala! Sakit lang talaga ang ending ng kaibigan ko.

Si Toni nga na hindi na nakikita at nakakasama si Erica ay hindi pa rin yata naka-move-on dito, iyon pa kayang nagkikita kayo lagi? Mahal mo pero kunwari hindi. Ang hirap naman ng kalagayan ng kaibigan ko! Di bale Therese, kawalan na ni Alex iyon gaya ng kawalan ni Erica si Toni.

Speaking of Toni ay hindi pa rin dumarating ang isang 'yon! Naaliw lang akong kausapin ang sarili ko ay panibagong sampung minuto na naman ang lumipas? Nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan! Kung hindi ko naman siya hihintayin ay malamang susumpungin na naman iyon ng pagkatopak at hindi na talaga kakain gaya ng dati!

Teka! Ano pala ang pakialam ko kung tutopakin siya? Siya nga walang pakialam na tinutopak ako dahil sa kanya! Hahayaan ko na nga lang at iisipin ko na lang na kaya siguro siya ganito ay dahil wala siyang kapatid. Iyon nga lang, humuhupa na ang topak ko't pangungulit ng mga kaibigan niya tungkol sa amin ngunit hindi ang mga tsismis.

Drunken Love (The High Five Book 1)Where stories live. Discover now