Chapter 3: Warm Favor

7.9K 184 24
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


JAYVEEN

MAWAWALA na yata ako sa katinuan pero si Therese ay hindi pa rin nakikipagtulungan o kahit man lang magbigay ng kaunting kooperasyon. Matutulungan na sana ako ni Heart ngunit dumating lang si Toni na sa halip na tulungan ako ay sinira pa ang aking pagkakataon! Dapat ay nag-aaral na ako ngayon, eh, pero ito, maiiyak na!

I knew I lashed out at Toni mistakenly and Therese made her say about how wrong I was!

"Therese, sige na naman, oh. Please."

"Ano ka ba! Mas lalong nakakahiya 'yon sa part mo kapag ako ang pupunta sa kanya at makiusap. Baka sabihin nun affected ka."

"Eh, si Heart na lang."

"L hindi Heart. At tsaka 'di kami friends nun no! Ngiti lang batian namin pero we're not really friends. At sa kanilang lahat si L lang ang hindi kaya ng powers ko. Ang prim and proper kasi. Alam mo iyong nagkukulitan na ang lahat, siya ay nakaupo lang at ngumingiti. Pakiramdam ko pati level ng happiness niya ay may pamantayan."

Ang mga naaalala ko tungkol kay Heart ay tila hindi naaayon sa paglalarawan ni Therese dito. At kahit ilang beses kong sabihin sa kanya kung paano si Heart kapag ako ang kasama, tila hindi niya ako naririnig!

"Haaay. Sana siya na lang ang dumapo sa kwarto ko. Wala na siguro akong problema ngayon."

"Girl, imposible rin 'yan kasi hindi iyon nalalasing. Umiinom lang iyon ng two to three shots. Sino'ng malalasing niyan?"

Sobrang swerte naman ng girlfriend niya sa kanya!

"Therese! Dapat mo na talagang simulan ang pag-iisip ng paraan upang matulungan ako ngayon! Sinayang ko ang aking oras na magkuwento sayo para sa wala! Ang tanging nagagawa mo pa lang ay ang itulak---" naputol ang pagsasalita ko dahil sa isang katok sa pinto.

Nagkatinginan kami ni Therese na puno ng pagtataka.

"May iba ka bang hiningan ng tulong bukod sa'kin?"

Lumingo ako at natatakot na rin kung sino nga ang maaaring kumakatok ngayon. The last time it happened, it didn't go well!

Kumatok ulit ang kung sinuman iyon.

"Girl, bakit hindi mo na lang kaya buksan?"

"Ayoko! Ayokong makatagpo ulit ng kaparehang uri ni Toni!"

"Hello? Nakalimutan mo bang silid mo ito? At tsaka isipin mo, pa'no kung kalahi pala 'yan ni L? Kaya sige na!"

The next knock forced me in the end. "Fine!"

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa harapan ko ang ingliserang palaka. Pangako, sa susunod ay susundin ko na talaga ang kung ano ang laman ng utak ko! As much as I need her, I hate to see her!

Drunken Love (The High Five Book 1)Where stories live. Discover now