Chapter 24: Dates Unplanned

4.2K 121 2
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAYVEEN

THIRD year. Second semester. Balik sa buhay estudyante at iskolar. Kailangang kumayud dahil hindi tayo anak mayaman.

Minsan napapanalangin ako na sana mayaman kami upang hindi ko na kailangan pang magpagod at matutuon ko lang ang buong atensyon sa pag-aaral. Pero naisip ko rin na kung mayaman kami ay baka hindi ako ganito magbigay ng halaga sa pag-aaral ko. Kaya ang ending, okay na rin pala, basta ba ay may pamilya akong sumusuporta at naniniwala sa kakayanan ko.

Dalawang linggo na ang nakakaraan nang bumalik ako sa unibersidad. Ang unang linggo ko ay tila hindi ako makahinga sa dami ng trabaho. Kung pwede nga lang makain ang mga papel ay ginawa na namin upang una ay makakain naman kami at pangalawa ay mabawasan ang mga nakatambak na trabaho sa mesa.

Kahit tatlo na kaming naka-duty ay kulang pa rin kami. Ito kasi talaga ang buhay namin tuwing enrollment at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay. Parang bawat semestre kasi ay dumarami nang dumarami ang mga estudyante sa unibersidad.

"Hey, Dragon! Dinner?" biglang pagsulpot ni Galaxy sa harapan naming lahat.

Ang kanina ay parang lantang gulay sa pagod na si Beatrice ay biglang nagka-enerhiya. May pasipul-sipol pa.

Hindi ko talaga maintindihan ang isang 'to kung bakit sa lahat ng barkada ni Toni ay kay Galaxy siya patay na patay.

"Bilisan mo na. I'm hungry. I'm craving for barbecue," maarteng pagreklamo nito.

"Baka ikaw ang e-barbecue ko dyan, eh."

Sasagot pa sana si Galaxy nang biglang may humila sa kwelyo ng suot niya. Maiinis pa sana ito kung hindi lang si Heart iyon.

"I told you not to mess with her. Matatagalan lang tayo sa pagkain kapag ikaw ang mang-aalok," wika ni Heart dito. "Shall we?"

Tumango lang ako at kinuha ang bag ko.

"That's totally unfair. May favoritism ka lang kasi, eh! Isumbong kaya kita sa girlfriend mo at nang mag-away kayo!" parang bata na wika nito at si Beatrice na naman ang ginugulo.

Hindi na lang ako kumibo dahil pinaalala na naman niya sa'kin si Toni. Dalawang linggo na ang nakakalipas nang huli kaming magkasama ni Toni at dalawang linggo rin na wala itong mensahe ni isa man lang. Isang linggo na ang nakakaraan nang magsimula ang pasukan pero ni anino niya ay hindi ko rin nakita.

Nagpaalam na si Juanita sa'min ni Beatrice habang si Beatrice naman ay mukhang mapapasama sa'min maghaponan dahil hindi makapaghindi kay Galaxy.

"Worried about her?" tanong ni Heart nang nakalabas na kami ng opisina.

"Nino?" pagmaang-maangan ko.

"C'mon. You know who."

"Toni?"

Tumango ito.

"Nope. Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya."

"Thinking about her?"

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon